Package #30

3.7K 37 0
                                    

"Aalsa alsa balutan tapos masusuyo rin pala kaagad. Arte!"

"Heh!" sigaw ko kay Jun, nang aasar kasi siya nang makita niyang magkahawak kamay kami ni Fourth na pumasok sa bahay.

Ngumisi siya kay Fourth. "Kain na po tayo," magalang niyang aya.

"Hiya ka naman sa kanya."

"Malamang ngayon ko lang nakilala," sagot niya.

"Oh, upo ka na diyan sa tabi ni Bel, Fourth," utos ni Mama, itinuturo ang upuan sa tapat niya. Si Papa kasi sa pinakapangulo, sa kabilang dulo ng oval naming dining set na pang waluhan si Jun. Sa kanan niya naman ay Si Mama, katabi si Theo. Pinag gitnaan ni Mama at Jaz si Theo. Ako naman, sa kaliwa ni Papa, tumabi si Fourth sa akin.

"Palit tayo, Pa. Gusto ni Thea sa gitna, sa tapat ni Theo." Request ni prinsesita. Inalalayan naman siya ni Jun.

"Paano mo pala nasundan papunta dito?" tanong ko bigla kay Fourth, taka ako pero may ideya na rin.

"Si Jenny, kaso, pagkaparada ko nung kotse, tumalilis na rin siya matapos bumati sa parents mo."

Ahhhh.

"Kumakain ka ba ng ganito, Fourth?" tanong ni Mama sa kanya. Upo kasi na hinaluan ng kuros ang ulam tsaka may adobo.

"Ah, opo."

"Opo daw," biro ko. "Alam mo naman ba 'yan?"

"Oo naman. Ah, dapat pala magalang, upo pala."

"Ha-ha! Patawa! Wa'g ka nang uulit. Pasalamat ka at gwapo ka eh."

"Hoy, kumakain tayo papa cute ka jan," sita sa akin ni Jun. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Oh, ano naman ang balak ninyo?" tanong ni Papa.

"Hindi pa po namin napag usapan. Pero, baka sulitin na namin na andito kami para makapagbakasyon na rin kami."

Parang hindi naman iyon ang tanong ni Papa, hindi lang na gets ni Fourth na may second meaning pa iyon. Ngumiti na lang ako kay Papa.

"Pahinga na kayo. Kami na ni Fourth ang bahala rito." Sabi ko matapos kaming kumain.

"Mama, sama si Thea."

"Baby, saka na kapag hanggang dito na kita," I indicated my chest level. "Do'n ka na lang muna kay Mamang para mag prepare ka na to sleep, okay?"

Kumibot kibot ang labi niya. "Katabi ni Theo at Thea sina Mamang at Papang in sleeping, ha?" she said saka tumakbo na kina Mama.

"Katabi ni Mama si Papa sa pagtulog ha?"

"Naka pagitan sa kanila ang kambal." Sagot ko naman.

Dala dala ko ang mga plato para dalhin sa sink nang akbayan niya ako, "I was meaning na tayong dalawa, babe," he stated.

"Ah, tayo ba?" malambing kong tanong. "Hugas ka na ng plato, I might reconsider."

Kumibot kibot din ang labi niya, "Sabi na eh! Sa'yo nakuha ni Thea ang pagpapacute na 'yan! Juskoh!"

"Akala ko ba tayo ang maghuhugas?"

"Syempre, sabi ko lang 'yun. Ang totoo niyan, ikaw lang."

"Ang daya mo naman."

"Angal ka?" tanong ko, sinusubok ko lang naman siya.

"Aba, hindi, sabi ko nga, maghuhugas na ako ng pinagkainan."

Wala namang kaso sa akin kung ayaw niya maghugas eh, sinusubukan ko lang siya. Katuwa naman na gusto niya naman.

Kasi, sabi ko.

Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon