Package #23

2.4K 30 1
                                    

Hindi na uli kami pa nag imikan ni Fourth. Masyado akong nakilig at napatanga sa sinabi niyang cute 'yung hita ko. The way he said it pa kasi ay parang sobrang sincere at sobra nga siyang natutuwa. 'Yung itsura niya pa ay parang nangigigil na gustong kurotin ang toned legs ko. Thanks, yoga!

"Ma..." reklamo ni Theo sa likod.

Nilingon ko naman siya kaagad, si Fourth naman ay tnignan munang mabuti ang harap ng sasakyan, pumarada sa gilid at saka nilingon din ang anak namin. Feels!

"What ba—by?" Tanong ni Fourth. Nagtataka siya dahil napapatawa ako.

Balik na uli ang mood ng baby girl ko! "Hahahahahah! Theo, hahahah! Hahahahah!" Halakhak ng anak kong babae matapos bugahan ng hininga niya ang mukha ni Theo. Ansarap talaga sa tainga ng halakhak niya. Parang musika sa aking pandinig. Nilingon ko naman si Fourth. At dahil nakalingon din siya, hindi sinasadyang naglapit ang mga mukha namin. 'Yung ngiti ko, unti unti nang nabubura at napapalitan ng konting awang. Siya naman ay bumibigat ang paghinga. Ang mga mata niyang itim na itim at napapalibutan ng malalantik na pilik mata ay nakatuon na sa labi ko.

Natuon na rin ang atensyon ko sa labi niyang kumikibot kibot.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

"Tsup! Tsup! Tsup!"

Napangiti ng pilyo si Fourth at sinabing, "Maliban sa reyna ko, sinusunod ko rin ang utos ng prinsipe at prinsesa ko."

Nanlaki ang mga mata ko at mas lalo pang nanlaki nang maramdaman ko ang malambot niyang labi na sumayad sa bibig kong nakaawang! Sinimsim niya pa ang pang ibaba kong labi na nagbigay daan para mapasinghap ako. Kinuha naman niya ang pagkakataong 'yon para idikit ang dulo ng dila niya sa dulo ng dila ko! Naitulak ko siya sa ginawa niya! Para akong nakuryente!

He smiled, that full blown smile, showing his perfectly pearl teeth.

"Loko ka!" Sita ko na lang sa kanya. Mas lalong lumuwang ang pagkakangiti niya sa reaksyon ko.

"Ayos! Pampaganang magmaneho!" Nilingon niya ang mga bata at kinindatan ang mga ito, "Sa susunod, hilingin niyo uli 'yon ha?" Bilin niya tsaka niya inambahan ang mga ito ng tig isang hi-five.

Natatawang umiiling na lang ako. Kampihan na, gano'n? Porke kayo ang magkakamukha? Hahahahah.

Sa halikan nami kanina, okay na ba kami? Honestly, hindi ko alam. Kung pagbabasehan ko ang bilis ng tibok ng puso ko na daig pa ang bilis kapag nag marathon ako, mas lalong hindi ko alam.

Para kasi kaming nag uumpisa pa lang ng love life namin. Oo nga, ito ang nakaligtaan namin. Ang maglandian lang. Masarap sa feeling itong getting to know each other. Gusto ko pa siyang kilalanin at gusto ko ring ipakilala sa kanya ang totoong ako. Ang ako na nag improve na. Gusto kong magkaalaman na muna kami ng mga baho, gustong sobra muna naming kilalanin ang isa't isa, hindi lang para sa mga anak namin kundi para rin sa mga sarili namin.

Hindi ko ipagkakait sa kanya at sa sarili ko ang pagkakataon na ito.

Malay natin, this time, maayos na ang magiging kahihinatnan naming dalawa. Ipokrita ako kapag sasabihin kong hindi ko ipinagdarasal ang happy ending naming dalawa, 'yung kaming dalawa talaga. Pero, mas gugustuhin ko pa ring magka happy ending kami, kahit na hindi kaming dalawa. Gets niyo?

Basta, I know, in the end, we'll get our happy ending. And maybe, through this second chance, we'll get it.

_

Nang ituon ko uli ang pansin ko sa daan ay ang gate na ng Enchanted Kingdom ang nabalandra sa akin.

"Baba na kayo rito at medyo maaraw sa parking at medyo malayo pa. Antayin niyo na lang ako sa lilim."

Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon