Epilogue

5.6K 78 1
                                    

Pagbukas ng pinto ng simbahan agad pumailanlang ang isang malamyos na musika, mga malalapit na tao lang ang inimbitahan namin para makasalo namin, para maging saksi sa pag umpisa ng buhay namin bilang isa pero pakiramdam ko ang dami pa rin nila sa dami ng nakaumang na camera sa akin.

I've been to many places
I've met different races
I've seen so many faces
But it's you I can't forget

Natigilan ako sa pumailanlang na boses. Di ako handa, parang nanghina ang tuhod ko at tumahip ang dibdib ko. Kinikilig na naman ako. Gusto ko uling pumadyak padyak.

Matapos kong maka recover sa natanaw kong pagkanta ni Fourth, inihakbang ko na rin ang mga paa ko. Hinawakan ako nila Mama't Papa sa magkabilang braso ng marating ko ang gitna.

"Pwede pa kitang itakbo ngayon anak." Biro sa akin ni Papa.

"Nel! Hindi magandang biro 'yan," suway ni Mama sa kanya saka siya napaiyak," papayag din naman ako sa gusto ng tatay mo kaso, kinikilig na ako sa boses ng magiging asawa mo," hagulgol niya pa.

"Ma, papangit ka na."

"Di bale, iiwas naman ako sa camera mamaya."

I've been through high and low
'Til I got nowhere to go

Tinitigan ko si Fourth, bakit pakiramdam ko, even with the distance, nag uusap ang mga mata namin?


I got this funny feeling
That it's you I'm still missing

Hindi na namin mamimiss ang isa't isa this time.

So baby come on don't let this go
You know I love you so
Don't throw away
Let our love grow
I can't let you go

Medyo lumalalalim pa lalo ang boses ni Fourth. It's thick with emotion. Nakita ko kung paano abutin ni JD ang isa pang mikropono para alalayan ang pagkanta ni Fourth.

We've always been so strong
We almost had it all
Don't give up now on me
Coz we will always be

Lets come to think of it
Look at all we could miss
Why cant let this happen
Coz it's you that Im always in love with

Always in love with. If my 20 year old self ako baka naipadyak ko na ang mga paa ko sa kilig. Tinignan ko ang mga kaibigan ko, naluluha na rin sila pero... ganyan nga, kayo na lang ang mag fan girl para sa akin.

Itinatago ng ngiti ko ang sobrang kilig na nararamdaman ko.

I still can't believe I am marrying him!

Oooooh, I can't let you go
Oooooh, I wont let you go
Oooooh, I'm never let you go
Oooooh, I can't let you go

Nang marating ko siya, napansin ko na ang namumuo niyang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Kung ako lang, baka sinugod ko na siya ng yakap. Na miss ko siya kahapon. Buti na lang talaga mahigpit ang hawak sa akin ni Papa.

"Pa..." bulong ni Fourth.

"Noon, humiling ako na magkaroon ng anak na gaya ng asawa ko, at ibinigay 'yon ng Diyos. Binigyan niya ako ng maalalahananin, malambing at maagalang anak. Sabi ko, parang kulang, humiling uli ako na sana, kagaya ko rin siya, at unti unti nakikita kong may palaban at matatag akong anak. Habang tumatagal, nakikita ko na sobrang tapang niya, sumusungit pa nga, humiling uli ako... at binigyan niya ako ng anak na may takot sa Diyos."

Humihikbi hikbi na si Mama sa kabilang gilid ko, si Fourth naman at mataman pa ring nakikinig kay Papa.

"Mahigit limang taon na ang nakakaraan, umuwi siyang malungkot at naulit uli iyon noong nakaraang taon. Humiling ako na sana sumaya siya. At, dumating ka nga sa tahanan ko. Never. Noon ko lang nakita kung paano mamula ang anak ko ng ganoon, ngumiti ng ubod ng tamis at nagpapasalamat ako sa'yo."

"It's my job, Sir," mahinang bulong ni Fourth.

"Sana alagaan mo ang anak ko, wa'g mong sirain pinagtulungan namin ng Mama niya at ng Diyos na siya." Bilin niya.

"I promise po."

Kinuha nga ni Papa ang kamay ni Fourth at ang kamay ko saka ito pinagsiklop. Nanginginig ang boses niya na sinabing, "Pasayahin ninyo ang isa't isa."

Binulungan niya ako habang papunta sa altar, "I can't let you go kaya itatali na kita sa akin."

"Do you have your own vows?" tanong sa amin ng pari.

Tumango kaming pareho saka naagharap. Lumapit naman si Theo para sa aming mga singsing.

"Bel... I kept waiting and waiting for that gift they told me that I would receive once only for this lifetime, dahil sa kakaasa at kakaantay ko, hindi ko na realize na nasa akin na pala. Bulag lang ako, muntik ko pang mapakawalan. Kung saan saan pa ako tumingin, kung saan saan ko pa hinanap, 'yun pala, nasa harap ko na. You are that gift, Babe. The real package God had sent... for me. Only for me. I'll make our everyday lives making up to you sa past na ibinigay ko. Araw araw kitang liligawan para mas lalo kang mahulog sa akin. At, higit sa lahat, ikaw lang ang mamahalin ko. Always, I'm in love with you." Pangako niya, punung puno ng emosyon. Madamdamin.

Ngumiti ako, naluluha. "Mayro'n naman talaga akong well crafted na vow pero kabog mo ako," bulong ko sa kanya. Medyo nilakasan ko na ang boses ko sa mga sumunod kong sinabi, "I don't care about the bad past we had kasi ang mahalaga naman, we're here. Lahat tayo. At, saka ang future natin na magkakasama. Andito ako ngayon, nangangako na kahit na anong mangyari, magkasama tayo because we are partners, we are a team. I love you too."

Napatitig ako sa mga kamay naming may wedding band na, ito na talaga 'yon. Nang mag angat siya ng tingin, nagsalita uli ako, puno ng pagmamahal, "Complete Package Ako, Fourth!"

"Yeah, my complete package."

At, hindi na nga namin inantay ang signal ng pari. We sealed it with a kiss and a kiss and another kiss... hanggang sa maramdaman na lang namin ang maliliit na kamay na humahawak sa mga legs namin.

Bumitiw kami sa isa't isa at hinarap ang mga anak namin, then cameras flashed.

I can't believe I am spending my lifetime with this complete package whom now I call my husband. It was like passing the CPA board exam all over again... and more... only more.

The End.

_

Dito na nga nagtatapos ang love story ni Bel. Sasarilinin niya na ang story at ang kanyang kilig sa sarili niya from this point.

Thank you sa pagbabasa!


Complete Package Ako, Fourth! (CPA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon