Chapter 1

25 4 0
                                    

Moon

"Alam niyo na gagawin niyo. Lalo ka na, Aruna. It's supposed to be your Home, pasalamat ka kinupkop ka namin. Dapat nandoon ka ngayon" Tita Judie said while putting powder on her face.

"Opo" Tanging sagot ko.

"This is our 6th time going to that orphanage. Alam ko nasanayan niyo na ito, pero ipapa-alala ko ulit. Wag mag salita ng masama tungkol kay Tito Edrik niyo"

Politiko. Kikilos lang kapag malapit na election. 6th time going there for 6 years too. Mag ka pic lang na lagi daw tumutulong sa mga Orphanage, kahit isa lang naman pinupuntahan sa anim na taon.

I hugged the teddy bear beside me. Nasa loob iyon ng plastic kaya nagusot ko pa ng konti ang plastic.

I spend my nights putting these toys inside the plastics, making sandwiches, and packing them with juice. Ako lang mag-isa gumawa ng lahat nang ito kagabi, I have no sleep. Maaga kasing pinatulog ni Tita ang mga kasambahay nila kaya ako lang mag isa gumawa.

Ate Anne must've felt my tiredness. Pinauna niya kasi akong umakyat sa likod ng sasakyan at sila na ang nag lagay ng mga gamit dito.

"Asan na mga magulang mo, iha?" Aling Tie asked me.

"Maaga pong namatay mga magulang ko" I felt the sun touch my face. Tinakpan ko agad ng panyo ang mukha ko. The heat is unbearable. And sitting here in the trunk makes it even worse.

"Ahhh kaya pala" She nodded. "Masaya ka naman dito? Narinig ko ikaw lang gumawa ng lahat nang ito kagabi ha" Tumango ako.

"Okay lang naman po ako dito. Pinapa-aral naman po ako nila Tita"

"Pinapahirapan ka naman. Para ka na ring kasambahay" She whispered. Luminga linga pa sa likod namin.

Ngumiti ako sa kanya. '"Okay lang po. Ito lang po ang mapa-palit ko sa pagpapaaral nila sa akin"

"Pumasok rin ba sa isip mo na umalis?" Tanong niya ulit. Na-ningkit ang mga mata ko.

That never crossed my mind. Alam ko naman kasi na hindi ko rin kakayanin mag-isa.

"Hindi naman po, mabait naman po sila sa akin"

"Ang bait mo talaga. Ibang-iba ka sa Tita mo. Hindi ko alam kung bakit hindi mo nakikita kasamaan ng ugali niya"

"Uyy baka mag sumbong" Rinig kong bulong ng Isa kay Aling Tie.

Aling Tie smiled at her. "Kilala ko 'yan dati pa. Hindi 'yan magsusumbong, hindi 'yan parehas sa'yo"

"Bahala ka"

"Iha, Marami namang mga kapatid ang Daddy mo, bakit hindi ka na lang sa iba sumama?"

"Hindi po nila ako gusto. Okay ma po ako dito kina Tita, masaya naman po ako" I softly answered her. Umiling-iling siya. "Okay lang po talaga ako" I assured her.

She's one of the longest House helpers Tita has. Masaya ako at nakilala ko siya. She helps me a lot, especially in house chores, she's the one who taught me everything.

Sa huli ay hindi na siya nag tanong pa. Sa totoo lang ayaw ko nang pag-usapan ang nangyari sa mga magulang ko. They died because of a car crash. I was 13 when they died. Nung namatay sila kinupkop nila ako Tita. Simula noon dito na ako nanirahan sa kanila. They fed me and made me go to school. In return, tumutulong ako sa gawaing bahay at paglilinis ng kwarto ni Julie, anak nila.

My parents are not rich. But both of my parents are teachers, which is why we were able to afford to buy cars and a house. Akalain mo 'yun, parehas teacher pero 'yung anak nila...

I didn't know where our cars went, and kung ano na nangyari sa bahay namin. I tried to ask Tita about it, but she said she didn't know anything. Gusto ko rin bisitahin ang bahay namin pero medyo malayo iyon rito, kaya hindi din ako maka tyempo.

SUN SHOWER (Butterfly Sanctuary series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon