EPILOGUE

11 2 0
                                    

AELLO

TW: MENTION OF DEATH AND SUICIDE

She's so pretty.

"Hoy, Bata!" Sigaw niya galing sa bench.

Agad kong nilibot ang paningin para malaman kung sino ang kaniyang tinatawag. "Ikaw, Tanga! Tagal mo naman, alam mo walang tao, ga- ganyan-ganyan ka pa!" Sigaw niyang muli.

I pouted and walked towards her. Ang kanyang kamay ay umekis sa kanyang dibdib. Her chin was up, and so were her right eyebrows. Trying to look scary.

"Bakit?" Mahinang tanong ko.

"Wala kang Mama, noh?" Masungit na tanong niya sa akin. Tumango ako. "Same..." She trailed off. "Gusto mo paglaki ko, ampunin kita?" Masungit niyang muling tanong.

I sighed heavily. She's stupid. I'm pretty sure when she grew up, I'm also an adult just like her.

"Bakit? Ayaw mo? Arte mo naman, ang ganda nga ng magiging mommy mo, eh" She rolled her eyes. "Ayaw mo talaga?"

"Sige na nga lang,"

"Para ka pang napilitan. Tatandaan mo 'to, ah! Paglaki ko, sa akin ka na. I will give you all my love, and I will take care of you. Kaya wag kang malulungkot kung wala kang mommy or daddy because you will have me in the future. I can also give you so much love. Okay?"

"Okay..."

"Ano pangalan mo?"

"Aeacus"

"Ikus?" Tumaas muli ang kilay niya. She laughed, "Ang pangit naman. Anong Ikus, beh?" Pumalakpak pa siya habang tumatawa.

"Ikaw, what's your name?"

"I'm Aruna. But, In the future, I will change your name, ang pangit ng Ikus. I will call you, Aello. A, E, L, L, O. 'di ba, ang cute!? Mas maganda kung ganito ang pangalan mo, kaya kung maging nanay mo na ako sa future, ito ang ipapangalan ko sa'yo!"

"Okay,"

"Okay!? 'yan lang talaga sasabihin mo? Ang panget mo naman kausap. Bahala ka nga diyan! Bye!" She rolled her eyes and jumped out of her seat. Ang kaniyang dalawang ponytail ay gumegewang dahil sa kanyang takbo.

"Kausap mo ''yung bagong bata?" Tanong sa akin ni Manang Jowan. Tumango ako. "Ang cute noh?" Tumango muli ako. She's so adorable, kahit ang suplada niya. Hindi naman bagay sa kanya ang ganoong ugali.

Whenever she rolls her eyes, It doesn't make me feel scared, In fact, she looks so cute.

"Alis na po ako," Nag paalam ako kay Manang para sundan ang bata.

"Babe, Ano!?" Rinig kong pabulong na sambit ng babae sa kanyang telepono. "Nandito na ako!" Tinago ko ang sarili sa gilid ng pader. "Anong pake ko sa ibang kamag-anak niyo? Edi sana sila ang mag-alaga dito? Ayaw naman nila 'di ba? Ito na lang, Iiwan ko na lang dito. Mas mabuti nga na dito kesa sa kalsada eh!" Anong ibig sabihin ng babaeng 'yon? "Fine! I'll bring her home na lang, basta ha! bagong bag! Yey! Love you, beh"

"Tita!" Maligayang sambit ng bata. The girl who talked to me earlier? That's her Tita? and her Tita is planning to leave her here?

Please! Gusto ko siyang makalaro. Sana iwan na lang siya dito. Ako na lang mag-aalaga sa kanya.

"Are you done na po with your meeting?" She cutely asked. Iiwan ka na niyan dito. "I met a cute kid, earlier. Aampunin ko siyang pag laki"

"Siraulo," Her Tita whispered.

"Po?"

"Wala!" Sana iwan siya! "Let's just go home!" Ha? Akala ko iiwan? No!

"Okay,"

SUN SHOWER (Butterfly Sanctuary series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon