Chapter 25

8 2 0
                                    

Chapter 25

Cold

Ang pagod at puyat ang rason kung bakit tinanghali ako ng gising. My plans for the day are now destroyed.

That party really tired me off.

"May gagawin ka?" Tanong sa akin ni Kerlee nang maupo ako sa lamesa upang mag agahan. "Ako nag bigay ng pagkain sa mga bata!" Magiliw na sambit niya.

"Good..."

"So, Ano na? Pagod na pagod is Ate oh!" I stuffed my mouth with some pieces of bread. "Beh, nag hihintay ako"

"Mag hahanap ng apartment sa labasan..." I murmured.

"Apartment? Bahay na agad!"

"Wala nga ako pang bili ng damit, bahay pa" I snapped. "If only I graduated earlier, mas maganda sana ang buhay ko ngayon" lumambot ang boses ko.

"I know a job," Mahinahon niyang sambit habang nakatitig sa akin, ang dalawang kamay niya ay naka tungkod sa lamesa. "My Tita work there eh! You'll be perfect in there"

"Ano?"

"Sa kitchen ng hotel!"

"Hoy! Hindi ako marunong mag luto" Nag kamot ako ng ulo. She rolled her eyes and crossed her arms.

"Hindi ka naman mag luluto, mag huhugas ka ng pinggan, it's a big and well-known hotel, so I'm sure you'll earn a lot. Magaling ka pa naman sa gawaing bahay kaya baka hindi lang pag huhugas ng pinggan ang ipapagawa sa iyo..." I want that job, I can take that for now.

Magandang trabaho na ito panimula. I can just quit if I find a better job. Nagsimula na rin naman akong maghanap pero wala talaga akong mahanap. I want to move out as soon as possible, baka makatulong muna ito.

I'll take anything available, any job.

"Ano?"

"Okay! Mag a-apply ako" I beamed.

"Okay, I'll text you the location, I-prepare mo na ang mga papeles mo" Tumango ako.

"Utos pala ni Ma'am, dalhan mo daw ng pagkain sina Joseph sa garahe, nag luto siya ng spaghetti" She waved her hand and left me alone in the kitchen.

Hinugasan ko ang pinagkainan at hinanda ang mga pagkain na dadalhin sa mga kalalakihan sa garahe. They are building something in there.

I wonder what apartment I will live in! I'm sure it's not that big, but it's gonna be pretty. Like, there will be a lot of designs around the wall, and I will buy foam! Kahit foam na lang, at Isang unan at kumot. And I will make my space very pretty, I will put flowers everywhere and... maybe buy books?

It's been a long time since I read one. Na-mi-miss ko na.

I sighed heavily and walked my way to the garage. Masakit na sa katawan ang araw, mabuti na lang nasa eskwelahan ang mga bata ngayon, gustong-gusto kasi nila mag laro sa araw kahit pinagbabawalan.

I flinched when I saw a familiar car park in the garage. Naningkit ang mga mata ko. He's here? He can't be here, wala na siyang business rito.

"Pagkain niyo daw po" Sambit ko kay Mang Tomas habang inaalis ang tingin kay Aello na palabas ng kanyang sasakyan. Namataan niya ako kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Salamat, Iha. Palagay na lang riyan"

I turned to his way again and found him making his way to me, to us?

"Kumain na po kayo," Sambit ko sa matanda. "Joseph, Kain na!" Tinawag ko rin ang lalaki.

"Magandang hapon po" Bati niya sa matanda.

SUN SHOWER (Butterfly Sanctuary series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon