Chapter 11
Safe
Weeks passed and wala talaga silang makita. I've been coming to Dean's office back to back. Halos mainis na rin sa akin ang mga personnel sa school.
Nakabalik na rin ng paaralan si Jewel. She's targeting me. Mainit talaga ang dugo niya sa akin. Iniintindi ko na lang siya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya, kaya tinitiis ko lahat ng mga ginagawa niya sa akin.
Halos ilang linggo din akong walang gana dahil hanggang ngayon "magnanakaw" pa rin ang tawag sa akin. I feel like I'm the most famous person in our school. In a bad way.
Pero kahit Ilang linggo ng ganoon, hindi tumitigil ang pag-turo sa akin ni Aello. We're still continuing it. Sa 1st sem hindi ako nasama sa Dean's list. Nahirapan akong bumawi sa grades ko, pero hindi din naman bagsak. But Aello is a Dean's Lister. Sobrang saya ko nung nalaman namin iyon.
Tita's behavior towards me is getting worse. And I'm trying to understand her as well.
Everything has been very heavy. I don't why I'm still standing strong but I must admit, everything is painful and hard. With School activities, bullies, house duties, and studying for tests. It's making my head hurt.
"Anong iniisip mo?" He asked in the middle of our discussion.
"Wala" Sagot ko.
"Meron... You're preoccupied, if you don't want to tell me, it's okay, I don't want to force you... Basta andito lang ako" I still can't believe it.
The day he told me he liked me, I wasn't able to sleep a blink in that night. I was awkward with him too. Hindi niya na rin naman binanggit muli kaya medyo naging okay ulit ang pakiramdam ko sa kanya.
"Salamat" Sagot ko.
"You did well last sem"
"Salamat" Ulit ko. Lumunok ako.
Nagkamot siya ng ulo at tumingin sa mga libro.
"Malapit na birthday mo," I said. Lumipat ang tingin niya sa akin. I saw how his face lit up after hearing those words.
"Paano mo nalaman?" He asked.
Paano ko na sasabihin sa kanya ma tiningnan ko ang I.D niya habang natutulog siya?
"Hula ko lang" Pagsisinungaling ko.
He chuckled. "What do you want to do on my birthday?"
"Bakit ako tinanong mo!? It's your birthday"
He sighed and looked at my hands. Lumipat rin ang tingin ko roon. It's shaking.
Why am I shaking?
"Wala akong kasama tuwing nag bi-birthday ako," He said. Ngumuso ako at napatingin sa mga librong nasa harap namin. "Hindi din ako nag ce-celebrate, Hindi rin ako sure kung ito ba talaga ang birthday ko"
"Ano ba gusto mong gawin?" Tanong ko.
"With you?" Tanong niya balik.
"Hindi, Ikaw la-" He cut me off.
"Wala" Sagot niya at tumingin sa malayo.
"Okay, kapag kasama ako" Bulong ko. Napatingin siya sa akin at napangiti. Hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin non pero nagwawala ang mga paro-paro sa katawan ko.
"Arcade, Eat, Shopping, Swimming, Karaoke, picnic-" Kumunot ang noo ko.
"Ang dami naman! pumili ka" utos ko.
"I don't know what to pick," He said. "Basta lahat yan gusto kong gawin kasama ka" I stifled a smile.
I tried to give him a poker face pero kumakawala talaga ang ngiti sa mga labi ko. And he noticed it, he laughed while shaking his head.
BINABASA MO ANG
SUN SHOWER (Butterfly Sanctuary series 1)
Novela JuvenilI hated the rain. I hate its sound, it's humid, it's feeling. I feel like the things we can do are limited when it is raining. I hate the people who say they love the rain but open an umbrella when it pours. I hate how the rain makes me feel... lone...