Chapter 6
Alone
Growing up I have been doing things alone.
Parents meeting? I am my own parent. Enrolling, Buying clothes, processing documents, learning to commute, preparing my baon, and many more things that I have learned doing alone.
But after all of that, why am I still so scared to be alone? I am Independent, I should be Independent. But why do I always cry when I feel alone?
Bakit nakakatakot maging mag-isa?
Umayos ako ng upo sa higaan ng may narinig na mahinang katok "Pasok po"
Dahang dahang bumukas ang pintuan ko at agad nitong niluwa si Aling Tie. She smiled sweetly.
"Pinapatawag ka ng Tito mo" She informed. I nodded and fixed myself before going out.
Ang aga naman umuwi ni Tito. Lagi siyang nag o-overtime sa office nila kaya minsan ko na lang siyang nakikita sa bahay. Madalas sa umaga, pag may sobrang aga akong klase nakikita ko siyang mag agahan.
"Magandang gabi po" Bati ko.
"Narinig ko hindi ka pa 'daw kumakain. Samahan mo ako" Yaya niya. Marahan akong tumango at umupo sa katabi niyang upuan.
May pinggan na para sa akin doon.
"Your Tita and Julie went out to watch the cinema. Bakit hindi ka sumama?" He asked.
"Hindi po ako mahilig manood ng movie, atsaka nag aaral po ako" Siya naman ngayon ang tumango.
"So how's school?" Hindi maganda. Nahihirapan po ako. "I hope you're making a lot of friends"
"Maayos naman po at marami rin po akong kaibigan"
"Do not pressure yourself, Iha. Gawin mo lang best mo, ang gusto ko lang sayo is a grade kung saan mo kaya pero may mapupuntahan in the future" he seriously said. "Don't worry, andito ka sa bahay ko. I will help you if you are struggling. My room is open for you" Marahan siyang ngumiti sa akin at dahang dahang hinaplos ang binti ko sa ilalim ng mesa.
"Maraming salamat po"
"No worries, Iha! I am one call away"
I always know that he is kinder. Siya talaga ang Tito ko, ang kapatid ng mama ko. He's the one who really helped me back then, siya talaga ang kumupkop sa akin. Kasama ko siya noong mga araw na iyak ako nang iyak. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya napapa-salamatan.
He's a politician. I know he's corrupt and doing such bad things in his office. Alam ko 'yun. Pero mabait siya sa akin, at hindi ko siya kayang kamuhian. I am trying to understand him. He likes power and money.
But I also feel bad for the people here in our city.
"Ano nga iyong course mo?"
"Bachelor of Science in Secondary Education major in Science po"
"Wow! A future educator. Just like your parents"
I wonder if he'll change too. Paano kung bigla rin siyang magbago, katulad kay tita? May mapupuntahan pa kaya ako? Sana hindi.
Maraming naging kwento si Tito sa akin. He said that his team went to a very poor barangay namigay daw sila ng bigas at iba pang pagkain. Alam ko namang tig Isang kilo ng bigas lang pinamigay niya at binulsa lang ang budget.
Matapos kaming kumain ay nag paalam na akong matutulog. Yayain niya pa sana ako manood ng movie sa sala para daw makapag bonding kami pero hindi ko na kaya dahil sa antok.
Maayos ang gising ko. Kumain ako ng tanghalian kasama sina Tito, Tita, at Julie. Maayos naman ang lahat at hindi na rin yata masama ang timpla ni Tita sa akin, maayos ang pakikipag tungo niya sa akin kanina.
BINABASA MO ANG
SUN SHOWER (Butterfly Sanctuary series 1)
أدب المراهقينI hated the rain. I hate its sound, it's humid, it's feeling. I feel like the things we can do are limited when it is raining. I hate the people who say they love the rain but open an umbrella when it pours. I hate how the rain makes me feel... lone...