Chapter 12

21 4 0
                                    

Chapter 12

Jealous

"Prepare ha, election is in May. Ilang buwan na lang iyon"

"Oo nga po, ma'am. Sigurado po akong mananalo si Sir"

Tumikhim ako at nag iwas ng tingin kay Tita.

"Dapat talaga manalo siya! I have a project in mind"

"Marami pong supporters si Sir! Huwag po kayo mag-alala"

"Hindi ako nag aalala" Halos matawa siya "Alam ko naman iyon at magkano lang naman ang mga tao ngayon. Palibhasa mga bobo" She said while laughing.

Kumunot ang mga noo namin at hindi na dumagdag sa usapin.

What a word. Grabe naman talaga, andali na lang ngayon bumili ng tao. Sadyang mahirap lang talaga ang mga tao ngayon kaya tumatanggap ng pera.

Papayag ka ba na sa halagang five hundred o isang libo mabibili na ang dignidad mo? I know that's a big money but we need to be smart. Isang araw lang ang pera na 'yan, tatlong taon silang makaka-kuha ng pera sa pondo.

pero kahit naman hindi sila bumili ng boto mananalo parin si Tito.

"Saan ko po 'to ilalagay?" Tanong ko habang inaayos ang mga poster ni Tito.

"Ilagay mo muna sa likod, at sa susunod araw Ihahatid mo 'yan sa office ng Tito mo" Tumango ako at binuhat ang mga poster para malagay sa garahe.

Tito's office is closed since he's out of town. Hindi ko alam kung ano ang rason ng pag-alis niya pero pinag-awayan rin nilang dalawang mag asawa iyon. His office is the most important thing for him. He always keeps them close whenever he's not around.

"May balita na po ba galing school?" Tanong ko.

"Tingin mo kumilos pa sila about doon?" Pinandilatan niya ako.

"Baka lang po meron"

"Syempre wala! binayaran ko na ang mga hayop na 'yon" Tumango ako at umalis na sa harap niya.

"Pasensya na po" sambit ko nang nakatalikod.

Umaasa pa rin ako na malinis ang pangalan ko. People always make me feel that I am a criminal. Konti na lang, halos hindi ko na alam ang paniniwalaan ko dahil kahit ako ay naiinis na rin sa sarili ko.

"Tie! Cheska! Jowel! Ayusin niyo na ang mga pagkain sa kotse! Ang tatamad naman ng mga to! Bilisan niyo ang kilos!" She shouted.

Halos takbuhin namin ang kusina para makuha ang mga pagkain. We finished in just 5 minutes since a lot of house helpers decided to help too.

"Good luck, mukhang wala na naman sa mood" Bulong ng isang kasambahay sa amin.

I pouted and looked at Tita who was now stressed and annoyed. May tinatawagan ito at halos sigawan ang cellphone.

Pupunta kami ngayon ng "Home is Us". The orphanage that we always go to. Birthday ni Sister kaya paghahandaan siya ni Tita. Kaya marami kaming niluto at inayos. It took days to prepare the food since Tita Judie wanted the food to be fancy. Hindi ko rin kilala ang mga niluto. Pang mayaman.

Ang effort ni Tita ngayon.

I am excited to go back to the orphanage. I missed the kids! Lalo na ang garden nila. I want to roam there again. Gustong kong i-enjoy. Hindi ko kasi masyadong na libot dati. Sana ngayon marami kaming oras.

I wonder if Aello would be there. Since the Exam is coming I'm sure he's busy studying. Dapat ganon rin ang ginagawa ko, pero gusto ko naman tumulong dito, at hindi rin naman ako papayagan ni Tita Judie na hindi tumulong. Halos ipagawa niya na nga sa akin lahat eh.

SUN SHOWER (Butterfly Sanctuary series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon