Chapter 7

9 3 0
                                    

Chapter 7

Tired

Unang-una, ang pogi niya. Pangalawa, ang pogi niya. Pangatlo, Ang pogi niya, and Lastly, Ang talino niya.

"I studied your major subjects too," He said.

"Huh?" Tumigil ako sa pagsulat at tumingin sa kanya.

"Biochemistry"

"Bakit naman?" Kunot noo akong bumaling sa kanya. "You're a Political Science. You don't have this subject"

"I heard you talking with your friend last week. You did not Ace the test because you were having a hard time memorizing" Yumuko siya. He tries so hard to avoid my gaze.

"Pero I can learn it on my own"

"I Know you can but let me help you" His voice sounds calm.

"Mas mahirap pa nga ang mga major subject mo kesa sa akin eh" He bit his lip. Umiwas ako ng tingin sa kanya. This is so embarrassing.

"Walang mahirap o madali, Aruna"

"Your course is much harder, Aello"

"Yours are hard too. Parehas mahirap ang mga pinili natin. But each day I feel that it's getting easier, kasi kasama kita. We are learning together, and it helps me a lot" Learning together? hindi ko nga siya natuturuan. Siya lang ang naman ang nagtuturo sa akin. I should be the one saying those words.

He did so much for me. Studying my major subject to help me? That is too much. Sayang ang oras niya. Ayaw niya rin naman magpa-bayad sa akin, edi walang mapupuntahan ang mga oras niya.

"Come here" Hinila niya ang braso ko para mapalapit ako sa kanya. Suddenly I felt conscious of our surroundings.

Ilang araw ng kumakalat na may ibang kasama si Aello sa library. Akala ng iba at ng mga kaibigan ko na si Nana lang iyon. They didn't know it was me. Maganda ang rin ang pinipiling oras ni Aello. Kapag nagkikita kami rito, ilang estudyante lang ang nandito, hindi umabot sa sampo.

He is being cautious as well. Takot rin pala siyang mahuli.

"Saan ka nahihirapan" He whispered.

Lumunok ako at nag hanap ng salita. Ang landi niya talaga, nakakainis!

My hand was shaking while I was finding the page. Hindi ko alam kung napapansin niya iyon. Ang alam ko lang ay panay tingin niya sa akin at sa mga kamay ko.

"Let's take a break muna?" he suggested. Tumango na lang ulit ako at hindi na sumagot.

I unconsciously moved my chair away from him. Tinulungan niya pa ako nang nakikitang nahihirapan ako.

Earlier he texted me to meet him here at the Library. Ayaw ko sanang pumayag kaso may test kami sa susunod na araw. Being with him improved my grades. My exam scores are now above average. Ang dami kong natutunan sa kanya.

"Aello" I called him.

"Hmm," My ears melted with his voice.

"Bakit mo 'ko tinulungan?" I asked. Kumunot ang noo niya.

"Gusto ko lang" he shrugged.

"Weh? sayang oras mo"

"No. Gusto ko 'tong ginagawa ko. Tsaka sabi ni Philia..." Hindi ko na narinig ang mga sumunod niyang sinabi dahil narinig ko ang pangalan ni Philia.

"I like what I am doing, Aruna. I like that you are learning from me" Marahan niyang sambit. Parang mahuhulog ang puso ko sa pagkasabi niya.

Maybe na-aawa siya sa akin? Maybe he saw me struggling kaya niya ako tinulungan. Maybe he saw na wala na talaga akong pag-asa. Whatever his reason is I want to know it.

SUN SHOWER (Butterfly Sanctuary series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon