Chapter 04

48.1K 1.4K 546
                                    

Chapter 04

Alam mo 'yung pakiramdam na kapag may ginagawa kang nakakahiya, paulit-ulit iyong tumatakbo sa utak mo? Na tipong napapa-face palm ka na lang sa katangahan mo? Sabi sa akin ni Mauve, meron daw akong 'main character syndrome.' Hindi naman daw sa akin umiikot ang buhay ng ibang tao. Iyong nakakahiyang ginawa ko, ako lang naman daw ang nakakaalala. Masyado raw maraming iniisip iyong ibang tao para paglaanan pa ako ng braincells.

Epal din iyong si Mauve, pero sana tama siya.

Taena, nakakahiya talaga!

Sinabi niya pa talaga sa harap ko na alam niyang inistalk ko iyong LinkedIn profile niya. Kung mabait na tao 'yang si Atty. Marroquin, bakit hindi na lang siya nagpanggap na hindi niya alam? Badtrip ampota. Para pa namang kabute iyon na biglang lumilitaw dito sa office.

Speaking of kabute...

"Taena naman," bulong ko sa sarili ko nung makita ko iyong sasakyan ni Atty. Marroquin sa may parking lot. Ang aga naman nitong mambwisit!

Nanatili akong nakatayo roon.

Maaga pa naman. 'Di ko kasi talaga tantyado iyong traffic dito sa Manila. Parang may tipos. Kapag sobrang maaga ka umalis, sobrang aga mo rin dadating. Kapag maaga lang, male-late ka naman. Kapag hindi maaga, aabutin ka ng siyam-siyam. Parang choose your evil lang, e.

Mas pinili ko na pumasok maaga. Inisip ko na lang na sa office na ako magbabasa kaysa naman ma-stress pa ako kapag late ako. Ayaw pa naman ni Judge ng late.

'Bahala na nga,' sabi ko sa sarili ko dahil wala namang ibang daan papasok sa office. Nakaharang pa naman iyong sasakyan niya malapit don sa entrance. Ma-clamp sana 'yan. Reserved kaya 'yung spot na pinarkingan niya.

Dire-diretso akong naglakad. Naka-pasak na rin iyong airpods sa tenga ko. Magpapanggap na lang ako na busy. Sabi naman ni Mauve ay may main character syndrome ako. Baka 'di naman out of character na 'di ko pansin iyong ganap sa paligid ko.

"dela Rama."

Fuck.

Siguro time na para mag-upgrade ako ay bilhin ko iyong airpods na may noise cancellation option. Rinig na rinig ko iyong pagtawag sa pangalan ko ni Atty. Marroquin. Ang baba ng boses niya. Nakaka-takot siguro 'to kapag lawyer mo tapos tinanong sa 'yo kung guilty ka ba o hindi—baka mapaamin ako bigla, e.

Gusto ko sanang magpatuloy pa sa paglalakad, pero mukha na akong tanga kapag ginawa ko iyon dahil napahinto na ako nang saglit kanina nung sabihin niya iyong pangalan ko.

Bahala na nga.

"Attorney," sabi ko nang tanggalin ko iyong isang airpods sa tenga ko at harapin siya. "Aga pa, ah."

He nodded at me, too. "May time ba si Judge?" he asked.

"Di ko pwede—"

"Five minutes," he said. "Just five minutes."

"Baka pagalitan ako—"

"Won't say that it's you," sabi niya sa akin.

"Hindi talaga—"

"Please."

Natigilan ako.

Anong kaso ba 'tong hawak niya? Kasi sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi siya iyong tao na nagsasabi ng please. Para kasing ang taas niyang tao. Hindi rin naman nakakapagtaka kasi ang accomplished niya kahit 30 years old pa lang siya. Si Mauve kasi 28 na pero tuwing nakikita ko, laging nagsasabi sa akin na may existential crisis siya. Tipong every year ay ibang career ang gustong gawin.

Alter The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon