Chapter 48
Simula nung pinasok namin—or more like pinasok ko ang gulo na 'to, halos wala na ata akong gabi na nakita na natulog nang maaga si Achilles... Lagi niya na atang naaabutan iyong pagsikat ng araw. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na magpahinga naman siya, but the thing is, kahit ilang beses niya pa sabihin sa akin na ginagawa niya lang lahat 'yon dahil sa akin, kilala ko pa rin si Achilles. May dahilan kung bakit once in his life, naging public defender siya. May puso siya para sa mga tao.
At itong kaso na 'to? Maraming tao ang naapakan at naagrabyado.
Kahit hindi niya aminin sa akin, alam ko na may parte sa kanya na pine-personal na rin iyong kaso na 'to.
"Achilles," pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at saka tinanggal iyong reading glasses niya at saka pinisil iyong bridge ng ilong niya. Kitang-kita ko sa mukha niya iyong pagod. "Bukas na 'yan. 1AM na," paalala ko sa kanya dahil baka nalimutan niya na tao rin siya at kailangan ng pahinga.
"Kailangan kong tapusin 'to," he said.
"Bukas na—"
"No," he said, cutting me off. "I received a summons from CTA."
Napa-kunot ang noo ko. "Kailan?"
"Last week."
Nanlaki ang mga mata ko. "Last week?" I asked. Tumango lang siya. "Last week pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" medyo naiinis na sabi ko. Last week pa 'to tapos hindi niya sinabi sa akin? Akala ko ba partner kami? Porke hindi ako kasing galing nila sa litigation, hindi nila sasabihin sa akin iyong mga nangyayari talaga? After kaming puntahan dito ni Lance at basically bantaan ang mga buhay namin?
"It's nothing," sagot niya. Kilala ko na siya at alam ko na paraan niya 'to para 'wag akong masyadong mag-alala. Too late. Matagal na akong nag-aalala para sa kanya.
Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim. Naglakad ako papunta sa dining table kung saan naka-kalat iyong maraming mga papel. Tumingin ako kay Achilles. Gusto kong manermon sa kanya, pero nung makita ko iyong pagod sa mga mata niya, mabilis kong pinigilan ang sarili ko.
I can be worried and still be supportive.
I didn't want to further stress him out.
"Summon para saan?" I asked him instead.
"To appear in court," he replied. I knew he was choosing his words carefully to not frighten me. Too late.
"Akala ko puro papers lang sa CTA?"
"Usually," he replied. "In some cases, kapag masyadong kumplikado, kailangan ng appearance sa court."
"Makikita natin... sila doon?" I asked him.
I read the names on paper... Curiosity got the best of me and so I did search for them online. These people... you wouldn't see them on the mainstream media, but if you search for them online, if you type in the right words, you'd see that they're there.
Sila ata talaga iyong tinutukoy kapag nababasa ko iyong kataga na the power that looms in the dark.
Iyon bang hindi mo nakikita, pero ramdam na ramdam mo iyong mga desisyon na ginagawa nila. That they're really the ones who decide who'd get screwed in this fucking economy.
Sila iyong mga pinagtatakpan ng Papa ko.
Kaya siya pinatahimik.
"Usually, just the lawyers," sagot ni Achilles.
"Pero possible na nandon sila?" I asked because he's still being very vague.
"Yes," he replied. "Lui gave us a list of all their money source. There's a high chance that they'd really make an appearance."
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...