Chapter 18
Unang exam namin iyong Oblicon at nanlalamig iyong buong pagkatao ko dahil naka-sagot ako... Usually kapag ganyan na naka-sagot ako, nagkaka-gulatan na lang talaga kapag nakita ko na iyong score ko.
"What the fuck was that!" sabi ni Niko nang maka-labas siya sa classroom. Tumingin siya kila Sancho na nagkibit-balikat lang. "Fuck you," sabi ni Niko tapos tumingin sa akin. "It was hard, right?"
Naka-tingin sa akin si Niko na para bang naghahanap siya ng kakampi kaya naman tumango ako at sinabi na mahirap iyong exam. Aba, mamaya sabihin ko na naka-sagot ako tapos lowest pala ako sa klase namin! Si Sancho naman kasi ay magaling talaga sa klase kaya hindi nakaka-bigla na nadalian siya. Ako ay isang hamak na normal na estudyante lamang.
Nang magsimula ng maglabasan iyong ibang mga estudyante, nagmadali na akong lumabas ng school. Alam ko kasi na may iba d'yan ang magdidiscuss ng sagot nila sa exam. Mamaya e ma-stress pa ako kapag sobrang layo ng sagot ko sa sagot nila—ma-badtrip pa ako kay Atty. Marroquin dahil baka mali-mali ang tinuro niya sa 'kin.
Hindi ako nakinig ng music o kung anuman habang pauwi ako. Gusto ko lang manahimik sandali dahil napagod talaga ako sa exam. Kaya dumiretso na rin ako sa 711 para maghanap ng kakainin para pag-uwi ko ay diretso na ako sa kwarto.
"Kamusta ang exam?" tanong ni Papa nang maabutan ko siya sa sala. Weird dahil usually ay tulog na siya ng ganitong oras.
"Okay naman po," sagot ko sa kanya.
Binigyan niya ako ng maliit na tango. "Nagcommute ka pauwi?" tanong niya kaya tumango ako. Nasa casa pa rin iyong sasakyan ko. At this point, kailangan na nila akong bigyan siguro ng temporary na sasakyan dahil pagod na pagod na akong magcommute. "Ano'ng oras tapos ng exam mo?"
"7:30," sagot ko.
"Sunduin na kita."
Kumunot iyong noo ko. "Di ba hanggang 5 lang work mo?"
Tumango ulit si Papa. "Hintayin na kita para 'di ka na mapagod sa commute pauwi."
"Okay po..." sabi ko kahit medyo nagtataka ako. O baka naramdaman niya na iyong pagod ko kasi pagkatapos ng mahabang exam, ang last na gusto kong gawin ay mahirapan pa sa commute. Pwede na rin. Tulugan ko na lang si Papa sa byahe.
Buti na lang at hindi niya na pinansin iyong hawak kong paperbag kaya naka-akyat na ako sa wakas. Naligo muna ako tapos ay naupo ako sa may study chair ko. Binuksan ko iyong laptop saka automatic na naghanap ng sitcom na papanoorin habang kumakain.
'Di ko alam kung bakit biglang bumilis tibok ng puso ko nung magnotify na may pumasok na message tapos nakita ko iyong AVM doon sa notif.
'Day 1 done. Pahinga ka na.'
Binitawan ko muna iyong noodles kahit kanina pa ako takam na takam habang hinihintay ko na maluto.
'Di mo tatanungin kung nakasagot ako?'
'No. I don't want to dwell on negativity.'
'Wala ka talagang bilib sa akin tsk.'
'Of course meron. Ang talino nung nagturo sa yo.'
'Hanggang dito sa QC ramdam yung hangin mo.'
'Just being honest.'
Ang yabang talaga ng tao na 'to—pasalamat siya at matalino talaga siya at magaling magturo kaya hindi nakaka-hiya kapag ganitong nagyayabang siya.
'Nagrereview ka ba? Pahinga ka muna.'
'Yup. Netflix plus creamy seafood cup noodles saka siopao.'
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...