Chapter 25
"Ano?" sabi ko sa kanya nang nahuli ko na naka-tingin siya sa akin pagkatapos kong umorder ng pagkain para sa room service. Nagutom ako, e!
Bahagya siyang umiling. "Mauubos mo ba lahat ng order mo?"
I shrugged tapos ay nahiga ako sa kama. Naka-suot kami pareho ng bathrobe. Ako kasi pinapa-tuyo ko pa iyong boxers ko na ginawa kong pang-swimming. Siya, ewan ko. Ginagaya lang siguro ako.
"I will try my best," I replied.
"Yes, do try," he said. "I don't like wasting food."
I wrinkled my nose. "Oo na, oo na."
Habang naghihintay ng pagkain ay nanood muna kami ng movie. Magkatabi lang kami sa kama habang naka-sandal sa headboard iyong mga likod namin.
"May tanong ako," sabi ko dahil 'di ko rin masundan iyong pinapa-nood namin na movie dahil nasa kalagitnaan na.
"What?"
"Yung sa kapatid mo..." I said carefully.
Hindi ma-kwento si Atty—I mean si Achilles. Kaya lang naman niya sinabi sa akin iyong dati ay dahil aksidente kong nakita iyong documents na pinadala sa kanya ng kapatid niya. Pero sabi niya rin sa akin, he was glad na may napapagsabihan na siya ng ganito. Kaya wala lang. Gusto ko lang magtanong. Baka kasi gusto niyang magkwento.
"What about that?"
"Nag-usap na kayo?"
"Not yet."
"Oh. Okay."
At the same time, ayoko mamilit. Basta nagtanong ako. Kung hanggang dito lang ang gusto niyang sabihin, fine by me.
"I'm still considering it," sabi niya bigla habang nagsscan ako ng channel para maghanap ng magandang papanoorin.
"Considering what?"
"If it's worth it," sabi niya. "I really don't need the money from that sale. And that's the only memory I have left of my parents. Ayoko pang pakawalan."
Tahimik lang ako. Buhay pa naman parents ko... Wala naman akong wish na mamatay sila. In fact, kasama nga sa mga dasal ko iyong good health and long life nila. Pero ewan. Kung tatanungin ako, in the future, kung gusto ko ba ibenta iyong bahay namin? I'd casually say yes. Wala naman kasi akong magandang memory sa bahay na 'yon. Ang pinaka-naaalala ko lang siguro ay iyong kinulong nila si Mauve sa kwarto. Hindi magandang alaala.
Pero baka iba kasi sa kanya. Baka maganda iyong childhood niya. Baka mahal siya ng magulang niya. Baka kaya mahirap sa kanyang pakawalan.
"Wala kang comment?" he asked when he probably noticed my silence.
"Baka may dahilan iyong kapatid mo," sabi ko. "You said it yourself—tahimik lang siya before tapos biglang nagreach out para dito. Baka kailangan niya ng pera o kung anuman."
Hindi ko kilala iyong kapatid niya. Hindi ko alam kung mabait ba siya o kung ano. Ayokong pilitin siya na makipag-ayos kasi at the end of the day, desisyon niya naman 'yan.
Pero ang saya kaya magkaroon ng kapatid!
Aty—I mean Achilles just nodded to himself. Bahala siya d'yan. Tatanungin ko na lang siya ulit after a couple of weeks tutal hindi ata automatic updates sa taong 'to. Kumbaga sa software update, naka-manual update siya.
After a while, dumating na iyong pagkain finally.
"Shet," sabi ko na nanlaki iyong mga mata nang ma-realize ko na ang dami ko nga palang inorder!
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...