Chapter 09
Siraulo ba siya? Kung kay Niko ako magpapaturo, e 'di sabay kaming naghilahan nun pababa. Tsk. Minsan talaga 'di ko gets si Atty. Marroquin. Para siyang weather na pabago-bago ang mood. Hirap tantyahin, e.
Pagkatapos kong isend kay Niko iyong reviewer, gulat na gulat ako nung hingin niya iyong bank account details ko. Mahirap ang panahon kaya hindi na ako nagpakipot pa. Pero mas nagulat ako nang magsend siya ng pera 'don.
Drug lord ata 'yon! Ang laki naman magbigay ng pera e nagsend lang naman ako ng reviewer na hindi naman ako ang gumawa.
'Pst.'
Alam ko naman na 'di magrereply si Atty. Marroquin sa akin kaya naman 'di ko na tinignan iyong phone ko. Medyo maraming pinagawa sa akin sa trabaho kaya nandoon iyong atensyon ko. Okay din naman magtrabaho dito kasi nagagamit ko rin siya sa school. Minsan kapag may tinatanong sa akin sa recit na 'di pa namin topic, nasasagot ko. Bilib na bilib sa akin ibang classmates namin. Nagshrug na lang ako para kunwari matalino ako at maliit na bagay lang 'yon. Kahit sa totoo lang, nabasa ko lang kasi habang nagreresearch ako. 'Di na nila kailangang malaman pa 'yon.
Nung bandang lunch time, nagdesisyon ako na lumabas na dahil nahihilo na ako sa dami ng binabasa ko. Kinuha ko rin iyong cellphone ko para makapamili ako ng papakinggan na kanta.
'Ano na naman?'
Napaka-sungit naman nito! Malapit ko na talaga 'tong tanungin kung may problema ba siya sa akin o ano.
'Libre kita. Binigyan ako ni Niko ng pera nung sinend ko yung reviewer mo.'
Nag-read na naman siya.
'And?'
'Since sayo naman talaga yung reviewer, libre kita ng pagkain. Nakakaguilty parang pinagkakitaan kita.'
'Parang ganon na nga.'
'Business minded.'
'Binebenta mo reviewers ko?'
'Grabe hindi naman!!!!!'
'Pwede naman para may pambili ka ng siopao.'
'Di ka talaga maka move on sa siopao,' text ko sa kanya. 'Kung ayaw mo ng libre e di wag. At least malinis ang konsensya ko.'
'Naglunch na ako.'
'Share mo lang?'
'Mamaya na lang dinner.'
'Tss aayaw ayaw pa. Gusto rin naman,' sabi ko. 'Papa-deliver ko na lang ba sa condo mo?'
'Wala ako sa condo.'
'Malamang mamaya pa. Di ka ba uuwi?'
Hindi na ulit ako nireplyan. Hirap naman nito kausap. Hindi naman sa demanding ako na replyan ako agad pero alam mo 'yon? Pet peeve ko siguro kapag may kausap akong tao tapos dire-diretso iyong usap tapos biglang mawawala.
Bahala nga siya d'yan.
"Nalilito na talaga ako," sabi ko kay Assia.
Tumango siya. "Nakakalito nga, e..."
"Naiintindihan ba nila Sancho?" tanong ko.
"Siguro," sagot ni Assia. "Bakit?"
"Alam mo ba kung ano ginagamit nila na libro?"
Hindi ko talaga maintindihan iyong Obli. Sinusubukan ko namang magbasa. Kulang na nga lang ay gawin kong bedtime story iyong codal pero kapag tinatawag ako para sa recit, parang naghahalu-galo na iyong provisions sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...