Chapter 20
Pakiramdam ko ay hindi ako matutunawan sa kinain namin ngayong lunch. Hindi naman nagsalita sina Mama at Papa pero iba iyong tingin nila sa amin ni Mauve. Pero si Mauve ay mukhang immuned na dahil ang saya-saya niyang kumakain habang ako e hindi mapakali.
Alam na ba nila?
Pero kung alam na nila, bakit hindi nila sinasabi?
Ano ba'ng balak nila?
Hindi na talaga natapos ang problema ko. Pagkatapos ng midterms, ito naman ngayon. Simula talaga nung pumasok ako sa law school ay tuluy-tuloy lang ang problema ko.
"San kayo pupunta?" tanong ni Papa nang sinabi ni Mauve na may pupuntahan siya at isasama daw niya ako.
"May bibilhin lang ako," sagot ni Mauve.
Bahagyang tumango si Papa. "Bakit kasama si Mauro?"
Mauve shrugged. "Wala lang," she replied. "Una na kayo. Uwi agad kami after."
Hindi na nakapagsalita pa sila Papa dahil umalis na agad si Mauve at hatak-hatak ako. Alam ko na may sasabihin pa si Papa, pero hindi niya na nasabi pa dahil kay Mauve. Iba talaga ang nagagawa ng guilty conscience na kahit taon na ang lumipas, ramdam na ramdam ko pa rin iyong awkwardness ni Papa kay Mauve. Kaya alam ko na kapag nalaman niya na at pinag-usapan namin, magbabago talaga lahat.
Bakit ba kasi issue pa 'yon?
Bakit hindi na lang gawing love is love ang motto?
"San tayo pupunta?" tanong ko kay Mauve dahil pagod pa talaga ako sa midterms at excited na ako na matulog buong araw tapos ang gagawin ko lang pagka-gising ko ay maghanap ng makakain at papanoorin sa Netflix.
Kaya ayoko rin maging total hypocrite. Ayoko sa stance nila Mama kay Mauve... pero at the same time, alam ko na kung ano man ang meron ako, dahil sa kanila 'yon.
Hirap maipit sa gitna.
Parang kahit ano ang gawin ko, may matatamaan ako.
"Manonood ako ng movie," sabi niya.
"Ikaw lang? Bakit kasama ako? Paghihintayin mo ako sa labas? Kapal ng mukha mo," sabi ko sa kanya. E 'di sana sumabay na ako kila Mama pauwi. Matutulog na lang ako sa sasakyan tapos diretso sa kwarto ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Si Tanga naman," sabi niya dahil iyan ang nickname niya sa akin talaga. "Malamang para makita mo si Achilles. Tapos meet na lang tayo bago umuwi para sabay tayo."
Kumunot ang noo ko. "Bakit ikaw nagdedecide na magkikita kami?"
"Di 'wag. Pwede rin naman pumunta na lang tayo sa bookstore."
"Tss. 'Di ko alam kung free iyong tao," sabi ko sa kanya. Mamaya masabihan na naman ako ni Atty. Marroquin na busy din naman siyang tao at hindi sa akin umiikot ang mundo niya. May pagka-makapal ang mukha din kasi ang isang 'yon.
"Itanong mo kasi," sabi ni Mauve. "Alam mo, matanda ka na."
"23 lang ako."
"E 'di hindi ka na teenager," sagot niya at inirapan ko siya. "Itanong mo kung free. If hindi, e 'di magbookstore na lang tayo tapos coffee shop. Ayoko pa rin kasi umuwi."
"Ayaw mo lang pala umuwi. Ginawa mo pa akong dahilan," sabi ko. "Wala ka bang girlfriend ngayon?"
"Wala," sabi niya. "Halos mamatay na ako sa mga subjects ko. Wala na akong energy lumandi."
"Malamang. High school pa lang kasi, itinodo mo na kalandian mo."
"Hater," she replied. "Text mo na. Para kapag hindi, diretso na tayo sa Fully Booked."
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...