Chapter 49
I knew that Tali didn't believe my lies nang makita ko iyong itsura ni Achilles nung buksan ko iyong pinto. Heck, I didn't even need to see his face to know the panicked state of his mind. Sa tunog pa lang ng bawat pagkatok niya sa pinto ay alam ko na. The urgency of each knock told me that if I were even just a second late from opening it, he was close to knocking the door down.
"Hi, traitor," sabi ko nang buksan ko iyong pinto. Ewan ko. It was a desperate attempt on my part para pagaanin kahit konti iyong sitwasyon.
Imbes na sagutin ako sa sinabi ko, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Tinignan niya iyong mukha ko pati iyong mga braso ko. Gusto ko sanang magjoke na huhubaran niya na rin ba ako i-check, but I decided against it. Not the place and time. Definitely not. Seryosong-seryoso iyong mukha ni Achilles—evidenced by the deep crease on his forehead.
"You should've called me!"
"Nasa hearing ka."
"Regardless."
"I could've... pero naka-silent iyong phone mo kapag nasa Court ka, 'di ba?"
"It's on vibrate. If I saw you calling, I would've answered," seryosong sagot niya sa akin. Kita ko iyong malalim na paghinga niya. I reminded myself that this was not the place and time para inisin si Achilles.
"Di ka takot ma-contempt?" I asked in my lame attempt na pagaanin iyong atmosphere dahil sobrang seryoso ni Achilles.
"Why do you think I'm doing all these?" mas seryosong sagot niya ngayon.
"Oh... Akala ko—"
Napa-tigil ako sa pagsasalita dahil sa sobrang seryoso ng mukha niya. Ito iyong panahon na walang tamang sagot kung hindi sorry.
Bigla kong naisip iyong sinabi ni Tali na anuman ang gawin ni Achilles, dahil 'yon nag-aalala siya sa akin. Na itong taong 'to ay mahal na mahal ako kaya natural lang na mag-alala siya dahil sa nangyari. Ganon din naman ang mararamdaman ko kung ako iyong nasa kinatatayuan niya.
"Sorry."
Tahimik lang siya.
"Pero paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya. Wala siyang sinabi na alam niya, pero sa tagal na naming magkasama ni Achilles, madalas, kahit walang salita ay nagkaka-intindihan na kami.
Instead of answering, may tinuro siya. Tumingin ako roon at napa-kunot ang noo... hanggang mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin niya.
"I'm not gonna apologize," sabi niya.
"What the fuck!"
Nagpatuloy na sa paglalakad si Achilles. Inilagay niya iyong briefcase niya sa lamesa.
"Hindi ba 'to violation of privacy?!"
"We're way past that," kalmado pero galit na sagot niya. "I don't watch that like a perverted creep. But it's needed—kagaya ngayon." He looked at me. His eyes showed the disappointment again as he poured himself a glass of water. "What did she want?"
"Ano? Wala bang audio 'yang hidden camera mo?"
Achilles threw me a look that told me that he was not amused and that I needed to answer his question. I pursed my lips. Bakit ba lagi akong tumitiklop sa isang 'to?
Naupo ako sa may stool doon sa kitchen island. Naka-tayo si Achilles sa kabilang side non. Naka-tingin siya sa akin habang hinihintay kung ano ang susunod na sasabihin ko.
"Pumunta dito iyong kapatid ni Sancho."
"Alam ko. Ano'ng sinabi niya?"
I bit my tongue bago pa kung ano na naman ang masabi ko at ma-bwisit na talaga siya sa akin. Sinabi ko sa kanya kung ano talaga iyong nangyari kanina. Tahimik lang na nakikinig si Achilles.
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...