Chapter 08
Buti na lang at magkaiba kami ng schedule ni Mauve kaya kahit sa iisang bahay lang kami nakatira ay hindi kami nagkikita madalas—unless maabutan niya ako sa kusina kapag madaling araw na parang racoon na naghahanap ng pagkain sa ref.
Hindi maalis sa isip ko iyong sinabi niya kahit gustung-gusto kong kalimutam. Lecheng Mauve kasi 'yan! Napaka-malisyosa. Kung anu-ano pinapasok sa isip ko. Mukha namang generous lang talaga si Atty. Marroquin. Mukha rin wala siyang masyadong kaibigan. Baka gusto niya lang ng kaibigan kaya mabait siya sa akin (minsan).
Tsk.
Nananahimik ako, e!
Ayoko ngang maging malisyoso kasi ang pangit tignan. Nangyari na rin sa 'kin 'to dati. Mabait lang naman kasi ako usually. Mas ma-effort maging masama ugali. Tapos iyong seatmate ko biglang nagconfess sa akin. Gulat na gulat siya nung sinabi ko na 'di ko siya gusto. Sinabihan pa ako na paasa. Porke mabait lang at namimigay ng intermediate pad, paasa na agad?
Ang labo nung babaeng 'yon. Simula non, nagdamot na ako sa mga papel ko.
Sigurado ako na ganon lang din si Atty. Marroquin. Mabait lang siya saka maraming pera. Saka kailangan nun nung schedule ni Judge. Pareho lang siguro kaming user.
"Assia," pagtawag ko sa kanya. Tahimik lang siya sa tabi ko na nagbabasa ng codal. Obli day na naman. Hindi ko talaga maintindihan iyong subject na 'to. Minsan, hinahabol na ako kahit sa panaginip ko. Litung-lito ako sa mga resolutory condition, suspensive condition, at kung anu-ano pa. Natatakot tuloy ako para sa future ko. Kung dito pa lang sa Obli na first year subject ay nabobobo na ako, paano pa sa higher subjects?
"Bakit?" tanong niya nang bumalik siya sa akin.
"Alam ba ni Vito na friends lang tayo?"
Kumunot ang noo niya. Kahit kasi nasa harapan kami e ramdam na ramdam ko iyong titig ni Vito sa likuran ko. Para bang iyon iyong sinasabi nila na kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako patay.
"Kailangan ko bang sabihin sa kanya?" naka-kunot ang noo na tanong ni Assia.
Tumango ako. "Para hindi niya na ako tignan nang masama." Akmang titingin si Assia kay Vito. "Wag mong tignan," mabilis na sabi ko sa kanya. Pangit naman kausap nito si Assia. Mahahalata na si Vito pinaguusapan namin. Mamaya bigla na lang nila akong abangan sa labas ng campus. May connection pa naman sa frat 'yung tatlo na 'yon.
"May ginawa ka ba sa kanya para magalit siya?" she asked.
Napaawang ang labi ko. Seryoso ba si Assia o jino-joke time niya lang ako? Kasi sigurado ako na alam ng lahat sa classroom namin na may gusto si Vito sa kanya. Halatang-halata—iyon bang tipo na parang wala man lang effort mula sa parte ni Vito na itago iyon.
"Seryoso ka?" I asked. Confusion was evident on her face. Mukhang tahimik lang na tao si Vito pero kapag si Assia ang kasama niya, ang dami niyang sinasabi. Minsan din nakikita ko sila na sabay umuuwi so mukhang hinahati niya sa bahay si Assia. Ang manhid naman—
Fuck.
Agad akong natigilan kasi parang pamilyar 'tong iniisip ko ngayon sa nasa isip ko kanina.
Mabilis akong umiling.
No, magka-iba 'yon.
Tangina talaga nitong si Mauve! Napaka-sulsol!
"Hala, bakit?" nag-aalala na tanong ni Assia.
"Wala, wala," sabi ko habang umiiling. Tahimik na nag-aaral iyong tao tapos iniistorbo ko.
Kasalanan ko rin dahil kung saan-saan lumilipad iyong isip ko kaya nung natawag ako sa Obli, hindi ako naka-sagot. In my defense, litung-lito talaga ako sa subject na 'to. Medyo okay naman ako sa Crim, sa Consti, sa Persons, pero dito sa Obli na 'to e parang hieroglyphics iyong mga provisions na 'di ko talaga maintindihan.
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...