Achilles V. Marroquin
"Achilles."
Huminga ako nang malalim.
Sabi nila kapag nagtrabaho ka sa OCP o sa PAO, sobrang dami mong gagawin na tipong doon na lang iikot ang buhay mo. That was one of my considerations when I chose to apply here and leave my rather comfortable corporate law life.
"What?"
"Single ka naman, noh?"
Hindi ako sumagot.
Hindi ko alam kung kailan naging matter of office-wide interest iyong 'love life' ko. Akala ko rin maraming ginagawa dito sa PAO, but apparently not. Sa isang linggo, at least once ako matatanong tungkol dito. Gusto ko na silang sagutin na paano naman ako gaganahan magkaroon ng 'love life' kung ang lagi kong naririnig galing sa kanila e reklamo nila na hindi sila masyadong pinapansin ng boyfriend nila, iyong hinala nila na may ibang babae, o kung anuman.
I have a newfound appreciation for my life.
Papasok sa trabaho.
Go to the gym.
Dadaan sa supermarket.
Magluluto ng dinner.
Sleep.
And then repeat.
I love my routine.
"May ipapakilala ako sa 'yo."
Hindi ulit ako nagsalita.
Gusto kong sabihin na hindi ako interesado at wala akong panahon, pero alam ko na mas hahaba lang iyong diskusyon. Saka ayoko ng kaaway sa trabaho. I figured it just made things difficult. Ako kasi, kaya ko makipagtrabaho kahit ayoko sa tao. It's just work. I can dislike you and still work with you. I discovered that most people aren't like me. Kapag ayaw nila sa 'yo, idadamay nila ang trabaho mo.
So, I'd rather keep things professional at work.
"Ano ba'ng standards mo?" she inquired.
"Mataas."
"Ah... so, gusto mo 'yung matangkad? Like beauty queen height?"
"Mataas as in I expect perfection," sabi ko para matapos na ang usapan. Tumayo na ako at saka lumabas. Dinala ko na rin iyong laptop ko tapos ay nagtext ako sa secretary na kung may maghahanap sa akin e nasa coffee shop lang ako sa labas.
The next few days, sinabi sa akin ng secretary na pinagchi-chismisan daw ako na masyadong perfectionist. I told her not to inform me kung may marinig pa siya tungkol sa akin. It's a free country—they're free to say whatever they want to say. That's democracy.
Besides, wala rin naman akong pakielam sa opinyon nila sa akin. Nandito ako para magtrabaho.
"Magfa-file ako ulit ng motion," paliwanag ko sa isang client.
Totoo na tambak iyong kaso sa PAO. Totoo rin na maraming public attorney ang bare minimum na lang ang ginagawa sa mga kaso para lang matapos nila lahat. I told myself never to do that. Mas pipiliin ko i-sakripisyo iyong tulog ko kaysa gawin 'yon. It's just few hours of sleep for me kumpara sa kanila na nabubulok sa bilangguan dahil lang hindi inaayos ng abogado nila iyong kaso nila.
I also visit them at least once a month to update them sa galaw ng kaso nila. It's not much, but at least alam nila na hindi ko sila inabanduna.
"Kahit 'wag na, Attorney..."
Napa-kunot ang noo ko. "Ano'ng 'wag na?"
"Dito na siguro ako mamamatay."
"Hindi—"
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...