Chapter 44

27.6K 689 292
                                    

Chapter 44

Hindi mawala sa isip ko iyong itsura ni Papa nang makita ko siya. Hindi ko rin naman alam kung ano ba ang inaasahan ko na makikita ko. Siguro, alam ko rin naman na wala na siya... kasi bakit naman ako biglang papapasukin don kung hindi?

Pero ganon pala iyon... kapag nagpakamatay ka?

Naaalala ko pa rin iyong tali na naka-pulupot sa leeg niya.

Iyong mga mata niya na halos lumuwa na.

Iyong—"

"Do you know that it takes approximately four minutes for someone to die from hanging?" sabi ni Mauve sa akin habang magkatabi kaming naka-upo. Nasa funeral home kami ngayon. Si Mama iyong nag-ayos ng lahat. Nung sinabi na sa kanya iyong balita ng pagkawala ni Papa, at saka niya lang binitawan iyong rosaryo. Tumayo siya sa pagkaka-luhod niya. Tumingin lang siya sa akin. Akala ko ay sisisihin niya ako sa nangyari, pero wala siyang sinabi sa akin. Kinuha niya iyong cellphone niya at saka nagsimulang tumawag.

"Four minutes to lose consciousness... Then maybe additional 10 to 15 minutes para sigurado na wala na..."

"Pwede bang 'wag—"

"Ano'ng itsura ni Papa nung nakita mo siya?"

Hindi ako nagsalita.

"Sabi kasi sa mga libro na nabasa ko, nawawala na iyong muscle control—" Agad akong tumayo. "Hindi kita sinisisi," sabi niya sa akin. Napa-tingin ako sa kanya. "Pakiramdam ko lang, ang unfair, kasi hanggang kamatayan, gusto pa rin niya tayong konsensyahin."

Hindi pa rin ako nagsalita.

Don't speak ill of the dead.

Iyon na lang ang gusto kong isipin.

"Then stop asking to me describe kung ano iyong nakita ko," diretso kong sagot sa kanya.

Bahagyang tumango si Mauve. "I just want to know what you saw, so that I can share the guilt you're feeling."

"The guilt that I'm feeling?"

Tumango si Mauve. "Alam ko na nagguilty ka."

Umiling ako. "Hindi ako nagguilty, Mauve. Nagagalit ako."

Nagagalit ako kasi alam ko na masama si Papa, pero hindi naman siya iyong may kasalanan sa lahat. Pinagtakpan niya iyong mga ginawang masama, pero hindi siya iyong pinaka-gumawa non.

Nagagalit ako kasi para lang siyang kalat na niligpit.

Na... ganon lang.

Nagka-problema? Ligpitin iyong problema.

Parang hindi tao iyong niligpit nila.

Nakaka-galit iyong putanginang sistema na 'yan.

"Ako rin," narinig kong sabi niya. "Nagagalit ako. Nagagalit ako na ganon na lang? Papatayin nila si Papa? Para ano? Tumahimik na?"

Napaawang iyong labi ko.

"Ang hirap kasi... tangina... parang nawalan ako bigla ng karapatan na magalit kay Papa sa lahat ng ginawa niya sa atin dahil ano? Dahil namatay siya para protektahan tayo?" Natawa siya tapos ay umiling. "Hindi pwede. Ayoko. Galit pa rin ako sa kanya. Galit pa rin ako sa mga gumawa nito sa kanya."

"Ako rin."

Napa-tingin sa akin si Mauve. "Talaga?"

Tumango ako. "Kung akala nila matatapos 'to dahil kay Papa," sabi ko at saka umiling. "Mali sila."

Hindi kami nag-usap ni Mauve ulit tungkol dito. Maraming ka-trabaho si Papa. Maraming nagsasabi ng condolence. Wala akong ma-seryoso sa kanila dahil nasaan sila nung humihingi ako ng tulong para maka-usap namin si Papa? Walang kwentang mga kaibigan.

Alter The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon