Chapter 17
'Hindi ako makapagaral.'
'Wag mo kasi ako masyadong isipin.'
Napa-iling na lang ako sa reply niya. Simula nung gabi na pinuntahan niya ako sa 711, pakapal lang nang pakapal iyong mukha niya. Totoo nga talaga iyong sinabi niya na mas 'free' na siya magsalita—kasi talagang nawala na ata iyong filter niya.
'Kapal ng mukha.'
'I see no denial,' sagot niya sa akin. 'Pero bakit hindi ka makapagaral? May hindi ka naiintindihan?'
Sumandal ako sa study chair. Monday na ngayon. Bukas na iyong unang araw ng midterms—Tuesday magsstart kasi konti lang ang subjects namin kumpara last sem. Weirdly enough, hindi ako masyadong kinakabahan—at dahil doon, bigla akong kinabahan nang todo. Last sem kasi, halos isuka ko na lahat ng kinain ko bago magsimula iyong exam week. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko naman na first time mag-exam o baka nasiraan na talaga ako ng bait sa dami nung minemorize ko sa Crim 2.
'Nagsagot ako ng samplex. Nasagutan ko lahat.'
'Wow.'
'Di ko alam kung sarcastic na wow ba yan o ano.'
'Di kita pwedeng tawagan. Office hours.'
'E bakit ka nagtetext?'
Napaawang iyong labi ko nung limang minuto na ang lumipas at wala pa rin siyang reply. Hirap talaga ka-bonding nung tao na 'yon.
Akala ko e meron lang siyang kausap na client o kung anuman tapos magtetext siya sa akin. Pero dumating na iyong alas cinco ng hapon at wala pa rin akong text na nakukuha mula sa kanya—hindi sa naghihintay ako kasi nagreview naman ako in between.
'Sure ka bang tama sagot mo sa samplex?' message niya sa akin nung saktong 5PM na.
'Talagang di ka nagtext buong office hours?'
'Maraming may kailangan ng serbisyo ko.'
'Five seconds lang naman magreply.'
'I want to give them my undivided attention.'
Kung hindi pa ako napa-tingin sa reflection ko sa may laptop screen ay hindi ko pa makikita kung gaano ka-lalim iyong kunot ng noo ko. Agad kong tinapik iyon para umayos ulit iyong itsura ko. Mukhang tanga.
'Ah okay.'
'Haha.'
'May nakakatawa ba?'
Kumunot na naman ang noo ko nang makita ko siyang tumatawag. FaceTime iyon pero nung sinagot ko ay hinarang ko iyong daliri ko roon sa may front cam ng cellphone ko.
Nasa sasakyan si Atty. Marroquin. Mukhang papauwi pa lang siya dahil suot pa niya iyong work attire niya. Ewan ko ba naiinis ako makita na naka-tawa iyong mukha niya.
"Pakita ng mukha," sabi niya.
"Ayaw mo bang bigyan ng undivided attention iyong pagda-drive mo?" sabi ko sa kanya at lumakas lang iyong pagtawa niya na naging dahilan ng mas lalong paglalim ng kunot sa noo ko. Seriously! May nakaka-tawa ba sa sinabi ko?
"Sorry," sabi niya nang punasan iyong luha sa gilid ng mga mata niya. Nagsimula na ulit siyang magdrive pero patingin-tingin siya sa screen ng cellphone niya kahit naka-takip pa rin naman iyong daliri ko roon sa front camera ko. "Come on. Show your face."
I remained silent.
"Galit ka ba?" he asked. I still remained silent. "Do you want to talk about it or do you want me to end the call so you can think about it?"
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...