Chapter 29
"Morning..." sagot ko nang tumawag si Achilles sa akin.
Halos wala akong tulog. Huling araw na ng finals ngayon. Swerte na ata ako kung maka-kuha ako ng apat na oras na tulog. Kaya hindi na rin ako nakipagtalo pa kay Papa nang sabihin niya sa akin na ihahatid at susunduin niya ako sa school after ng exam ko, e. Pakiramdam ko rin kasi na kung ako ang magda-drive ay mababangga ako. Makaka-tulog talaga ako habang hawak iyong manibela.
Ganon ako ka-pagod.
Pero ayos lang. Mas gusto kong makulangan ng tulog kaysa magkaroon ng bagsak na grade. Alam ko kasi agad kung ano ang sasabihin ni Papa.
Na kasalanan ni Achilles.
Lahat siguro ng maling mangyayari sa buhay ko ay isisisi niya kay Achilles.
Kaya naman napagdesisyunan ko na mag-aaral ako nang mabuti. Buong college life ko, yolo lang ako. Sakto lang na aral, ganon. Kasi hindi ko naman talaga goal na maging summa cum laude. Siguro iyong ibang estudyante, ganon iyong gusto. Ako? Trip ko lang maka-graduate. Magkaroon ng magandang trabaho para maka-alis na ako sa bahay.
Pero ngayon? Kailangan ko ng magandang grades. Kailangan ko na wala akong bagsak. Kumbaga, anything less than perfect was not allowed. Medyo nakaka-sakal din... na ang daming requirement bigla sa buhay ko.
'Di siguro talaga pwede iyong masaya lang.
"Hanggang 9:30 exam mo mamaya, right?"
"Yup," sagot ko habang naka-pikit pa rin ang mga mata.
"May lakad ka kasama block mo?"
"Hindi ko sure," sabi ko sa kanya. "Pero baka 'di rin ako sumama kasi gusto kong matulog na."
Gusto kong makita si Achilles... pero gusto ko ring matulog. 'Di kaya pwede na sa condo niya na lang ako pero matutulog lang talaga ako? Grabe na 'tong pagod ko! Kung tatanungin ako kung pagkain o tulog, mas pipiliin ko na matulog. Bahala na iyong gutom. Siya na mag-adjust sa antok ko.
"Ah..."
Natawa ako kahit ang sakit ng ulo ko sa antok. "Sorry. Alam kong miss na miss mo na ako."
Natawa rin siya. "Naghahallucinate ka na."
"I hear no denial."
Ngayon ko lang talaga napatunayan na kapag lagi kayong magkasama o kaya magka-usap ng isang tao, talagang nakukuha mo na iyong way of speaking o kaya naman ay mannerisms niya... Minsan kasi talaga ay nahuhuli ko iyong sarili ko na gumagamit nung mga phrases ni Achilles.
"Ayaw mo sa condo ko? Kahit matulog ka lang."
Natawa ako tapos ay napa-hawak sa sentido ko dahil sumakit na naman iyong ulo ko. "Ganyan mo na ako ka-miss?" tukso ko sa kanya. Halos two weeks na rin kaming hindi nagkikita. Naka-kulong lang ako lagi sa kwarto ko at nag-aaral. Tinukso nga ako ni Mauve na nagbago na raw ako. Hindi na raw ako patapon na tao. Gago talaga 'yon.
"Di naman."
"E 'di 'wag."
"Magpapa-pilit ka ba?" tanong niya sa akin. Siguro talagang kilala ko na siya dahil na-imagine ko na kung ano iyong itsura niya habang sinasabi niya 'yan. Diretsong naka-tingin siya sa akin habang naka-tilt sa gilid nang kaunti iyong ulo niya. Naka-pasok din sa mga bulsa ng pantalon niya iyong dalawang kamay niya.
Ano ba 'yan...
Miss ko na nga ata.
"Hindi," sabi ko na natawa. "Sige, pero uuwi ako ng mga 4AM."
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...