Chapter 24
Doon ako nagpa-lipas ng gabi sa hotel room ni Atty. Marroquin. Sabi ko sa sarili ko na aalis na lang ako nang maaga para maka-balik sa kwarto ko bago magising si Papa... kaso parang ayokong umalis doon. Mas gusto ko siya kasama, e. Wala naman kaming ginawa. Nag-uusap lang kami tapos bigla siyang naka-tulog siguro sa sobrang pagod kasi nagdrive pa siya dito galing Manila. Nakaka-tawa iyong itsura niya na kahit naka-pikit na siya ay sinusubukan niya pa rin akong kausapin hanggang sa maging gibberish na iyong mga salita niya.
Hanggang sa naka-tulog na rin ako.
"Shit!" malakas na sabi ko tapos napa-tikom ako ng bibig nang makita ko si Atty. Marroquin na mahimbing pa rin na natutulog kahit 9AM na. Pagod siguro talaga siya kasi usually ay morning person naman siya.
Gusto kong umalis na agad. Magpapanggap na lang ako na naglakad-lakad sa paligid. Hindi naman siguro magdududa si Papa... Kung alam man niya iyong sa amin ni Atty. Marroquin, 'di naman siguro niya iisipin na pinuntahan din ako dito.
"Atty. Marroquin," sabi ko habang mahinang tinatapik iyong mukha niya. Ayoko naman siyang bigla na lang iwan dito.
"Hmm..." sagot niya habang naka-pikit pa rin iyong mga mata. Ang peaceful niya tignan kapag natutulog siya. Parang ang bait-bait na walang ka-pilosopohan sa katawan. Tsk. Looks can be deceiving talaga!
"Alis na ko."
Dinilat niya iyong mga mata niya. Ang pungay tignan. Ang gwapo talaga ng pesteng 'to.
"Ano'ng oras na ba?"
"Past 9AM."
Napa-upo siya. Gulu-gulo pa iyong buhok niya. Kinusot niya iyong mga mata niya. Naka-suot siya ng white shirt saka boxers. Apparently, may overnight bag siya kaya kahit biglaan iyong punta niya rito ay prepared siya. Sana kagaya niya rin ako. Kasi kung ako siya, maliligo na lang siguro ako sa pabango.
"Oh, okay," sabi niya tapos ay naghikab pa. "Kailangan mo na ba umalis? O pwede magkape muna ako?"
"May free breakfast naman ata 'tong hotel mo."
"Yeah, but I mean, I wanna have coffee first before I drive you back."
Umiling ako. "Hindi na."
Tumingin siya sa akin. Tahimik lang siya tapos ay tumango siya. Siguro alam niya. To some extent, alam niya siguro. Hindi pa namin napapag-usapan iyong mga seryosong bagay. Alam ko sa sarili ko na ayokong pag-usapan. Hindi ko alam sa kanya kung ayaw niya rin bang pag-usapan o baka ramdam niya na ayaw kong pag-usapan.
Either way, we'd still have to discuss it.
He's my home.
He's my escape.
I didn't want any lies between us—sapat na iyong marami akong tinatago sa bahay. Ayoko na pati sa kanya ay kailangan kong magsinungaling.
"Okay," he said instead.
Hindi ko alam gagawin. Nawe-weirduhan ako kung hahalikan ko ba siya o yayakapin. So I settled with patting his head. Nabigla siya sandali tapos natawa.
"Magche-checkout ka na ba mamaya?" I asked kasi baka gusto niya na bukas na lang ng maaga umalis since nag-effort pa siya magdrive papunta dito.
He nodded. "May trabaho bukas," he replied.
"Workaholic."
"Sue me, I actually enjoy my job."
Umirap ako. "Wala naman akong sinabing hindi," sabi ko sa kanya. "Ano'ng gagawin mo ngayon?"
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...