Chapter 41

69.5K 1.2K 504
                                    

Chapter 41

Kahit na nabigla ako sa sinabi niya sa akin, mabilis akong lumapit sa kanya at saka kinuha iyong iPad na hawak niya. Sinubukan niyang 'wag ibigay sa akin, pero mahina pa rin siya kaya mabilis kong naagaw sa kanya 'yon. Inilagay ko iyon sa likuran ko na para bang bata si Achilles na malilimutan niya rin iyong binasa niya dahil tinago ko mula sa paningin niya iyong iPad.

"Wag mong isipin—"

"How can I? You namedropped a lot of people, Mauro!" he said in restrained anger.

"It's done, okay? Nagawa ko na."

I tried to act as casually as I could. Natatakot ako, syempre. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bigla na lang may masamang mangyayari sa akin. Nasa Pilipinas ako. Nabibili iyong batas dito. Alam ko 'yon dahil doon ako lumaki. Iyon iyong nakikita ko kay Papa. Kaya kahit ilang beses sa aking sabihin ni Achilles na magtiwala ako, hindi ko magawa. Kasi iba iyong kinalakihan ko sa gusto kong paniwalaan.

Kaya pa ba ng therapy 'to?

It's a whole fucking childhood to unlearn.

"Why would you do that?" he asked while looking at me like he was waiting for me to provide him with a logical answer.

Naka-tingin ako sa kanya.

Hindi makasagot.

He looked at me. Naghihintay pa rin na may sabihin ako sa kanya na dahilan kung bakit nabaliw ako at inilagay sa Internet lahat ng bagay na 'yon. Kasi alam naman naming pareho na kapag sa Internet, kapag nilagay mo na, nand'yan na 'yan.

Pero sa akin? Internet is an even playing field.

Hindi nila ako pwedeng takutin.

Hindi nila pwedeng basta-basta ibasura iyong reklamo ko.

I could start a fire and it would actually burn—hindi iyong tipo na kaya nilang basta na lang tapunan ng tubig para mamatay.

"Can we not?" sabi ko sa kanya. "Kaka-dating ko lang. Natawag ako sa recit—"

Mabilis siyang umiling. "No," he replied. "We will talk about this. Kasi bakit mo ba 'yon ginawa—"

"Akala ko mamamatay ka, okay?! Hindi ba ako pwedeng magalit o matakot?!"

Nakita ko iyong pagka-bigla sa mukha niya. Simula nung magising siya, pinilit ko na maging kalmado sa harap niya. Kasi ang importante lang naman sa akin ay buhay siya. Ang gusto ko lang naman ay magising siya. Ayoko lang na mag-isip pa siya ng kung anuman pa.

Pero pagod na rin ako.

Nakakapagod mag-alala.

Parang simula nung nakilala ko siya, wala na akong ginawa kung hindi ang mag-alala. It's like I couldn't even fucking breathe for a second. I always looked over my shoulder kung nandyan ba si Papa, kung nakikita niya ba kami?

It was like I was always on the edge of the ledge...

And I finally fell over.

"I'm sorry—"

Mabilis akong umiling. "Hindi mo kasalanan," mabilis na sabi ko sa kanya. Sinubukan kong huminga nang maayos. Ayokong umiyak sa harapan niya. Nitong mga nakaraang araw, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Pagod na akong umiyak kahit wala naman akong kasalanan.

Kasi kahit pagbaliktarin ko man lahat, wala akong maisip na kasalanan ko... kasi kasalanan ba na mahal ko si Achilles? Sapat ba 'yon para gawin 'to lahat ni Papa sa amin?

"Kasalanan ni Papa," sabi ko sa kanya. "Alam ko na siya iyong dahilan kaya nabigay sa 'yo lahat nung kaso na 'yon. Kasi kahit ilang beses mong sabihin sa akin na trabaho lang 'yon, alam ko na hindi mo 'yon kinukuha. Napunta lang sa 'yo 'yon dahil kay Papa. Kaya siya iyong may kasalanan kaya nangyari sa 'yo 'yan. Kaya 'wag mong sabihin sa akin na kung hindi ikaw, may iba. Kasi..." Huminga ako nang malalim. "Tangina, wala akong pakielam kung masama man akong pakinggang dahil dito pero mas gugustuhin ko na may ibang mabaril kaysa sa 'yo. Sila na lang; 'wag ikaw."

Alter The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon