Chapter 30
Humingi ako ng pabor kay Assia na kung pwede ay sabihin niya na lang sa akin kapag kumpleto na iyong grades namin. Para akong masusuka tuwing nakaka-receive ako ng notification mula sa GC namin na lumabas na raw iyong ganitong grade. Kaya sinabi ko kay Assia na i-text niya na lang ako kapag kumpleto na. Para isang kaba na lang!
Bakit ba kasi hindi na lang isang bagsakan iyong grades? Ginawa pang installment—installment din tuloy iyong stress ko.
Gusto kong bumaba para maghanap ng makakain pero nandon kasi sila Mama. Ayoko muna silang makita. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob. Kasi kapag nakita ko na na maganda iyong mga grades ko, sasabihin ko na sa kanila iyong tungkol sa amin ni Achilles.
Na may boyfriend ako.
At na sana, kahit hindi na sila maging masaya para sa akin, kahit tanggapin na lang nila.
Pero para talagang mababaliw na ako rito sa kwarto mag-isa at naghihintay lang ng text ni Assia kung okay na ba iyong mga grades. Magse-search sana ako sa Google kung required ba iyong running shoes kung tatakbo ako. Bawal ba kapag AirForce?
GLOBE is calling...
Agad na gumaan iyong mood ko nang makita ko na tumawag sa akin si Achilles. Lumingon ako para ma-check kung naka-lock ba iyong pinto ko.
"May tanong ako," sabi ko nang sagutin ko iyong tawag niya.
"What is it?"
"Required ba na naka-running shoes kung tatakbo ako?"
"What?" tanong niya. "You do know that you ask the most random questions, right?"
Nagkibit-balikat ako. "Isesearch ko kasi dapat sa Google, pero ginulo mo ako," sabi ko sa kanya. Kahit wala siya sa harapan ko ay na-imagine ko na iyong itsura niya na umirap habang umiiling. Ganyan naman itsura niyan palagi kapag 'di siya sigurado kung ma-aamaze o maiinis siya sa akin, e.
"Kasalanan ko na naman," sabi niya.
"Lagi naman. Duh."
"Why? Tatakbo ka?" he asked.
"Oo sana."
"Are you sure?"
"Oo nga. Grabe naman 'to. Sanay naman akong tumakbo."
"Sure... but you get winded out kapag aakyat lang tayo sa hagdan."
Napaawang iyong labi ko. "The disrespect!"
"Totoo naman, 'di ba?"
"Tss. In my defense, working student ako. Saan ako hahanap ng panahon para mag-exercise?" sagot ko sa kanya tapos narinig ko iyong halakhak niya.
"Yeah, yeah, sure, whatever."
"Tss. Hater. Tapos ngayon na tinatanong kita kung pwede ba na walang running shoes, ayaw mo naman akong sagutin nang maayos."
"Hindi pa naman ako nakaka-sagot," he replied. "I merely asked for a clarificatory question first."
"Kasi parang hindi ka maka-paniwala na tatakbo ako."
"Well... can you blame me?" he asked. Na-imagine ko na agad iyong itsura niya. Bahagyang naka-tilt sa gilid iyong ulo niya at naka-tingin sa akin as if he was taunting me kasi alam niya na tama siya at once again, mali na naman ako.
Hirap talaga kapag boyfriend mo ayaw magpatalo, e. Ano kaya pakiramdam ng panalo ka minsan?
"Whatever. Makapaglakad na nga lang," sabi ko.
Natawa na naman siya. "Bakit gusto mong tumakbo?"
Napa-higa na naman ako sa kama. "Wala lang..." I replied. "Nabasa ko kasi na kapag tumatakbo ka, malilimutan mo iyong mga nasa isip mo."
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...