Chapter 19

45.3K 1.6K 966
                                    

Chapter 19

"Kamusta ang exam?" sabi ni Papa sa akin nang sunduin niya ako pagkatapos nung Consti exam.

I shrugged. "Mahirap po," sagot ko.

Pakiramdam ko naman ay naka-sagot ako, pero ayoko lang sabihin sa kanya 'yon. Expectation causes disappointment talaga madalas. I mean, kahit naman ako ang nagbabayad ng tuition ko, alam ko naman na may expectation pa rin iyong parents ko sa akin.

Basta gagawin ko na lang iyong best ko para kung anuman ang mangyari, wala akong pagsisisihan.

Tss. Ramdam na ramdam ko talaga iyong influence ni Atty. Marroquin sa buhay ko. Dati naman e yolo lang ang motto ko. Kailan pa ako natuto na 'gawin ang best ko?' Parang dati e masaya na ako kapag naka-sagot ako sa recit kahit alam ko na hindi ganoong ka-sakto iyong mga sagot ko.

"Sa Sabado na ang huling exam mo?" Tumango ako. "Gusto mong magdinner tayo nila Mama mo?"

Napa-tingin ako sa kanya na naka-kunot ang noo. Ang weird dahil hindi naman kami iyong tipo ng pamilya na nagpa-plano ng dinner sa labas. Usually sa bahay lang talaga kami... Tapos iyong pamilya namin na hindi naman talaga close in the first place, mas lalo pang naging malayo dahil sa ginawa nila kay Mauve.

"May sakit ka ba, Pa?" I asked kasi naninibago ako sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Ano? San mo nakuha 'yan?"

I shrugged. "Nag-aaya ka kasi ng dinner..."

"Masama ba?"

"Hindi naman."

Bahagya siyang tumango. Tahimik lang kasi si Papa. Ewan ko kung paano siya sa trabaho kasi kahit minsan hindi pa ako nakaka-punta sa trabaho niya. Delikado daw kasi kaya ayaw niya talaga na pumupunta kami roon. Kaya nga nung sinabi ko na mag-aabogado ako, kinausap agad ako ni Papa na basta 'wag daw sa criminal law o kaya 'wag ako sa gobyerno kagaya nung sa PAO o kaya sa Prosecutor kasi delikado talaga. Gusto ata ni Papa e magnotaryo na lang ako.

"Bakit? May gagawin ka na ba pagkatapos nung exam?"

Natigilan ako. Tumingin ako kay Papa. Bigla niya na akong sinusundo sa school tapos ngayon ay nag-aaya siya ng dinner...

"Wala naman po," sagot ko.

Tahimik lang ako buong byahe pauwi. Hindi ko alam kung mapaghinala lang ba ako o ano... pero may iba sa pakiramdam ko. Nakita ba nila ako kasama si Atty. Marroquin? May nakapagsabi ba sa kanya na nakita kaming dalawa? Pero wala naman kaming ginagawang masama. Kapag nasa labas kaming dalawa, nag-uusap lang naman kami parehas o kumakain.

Alam kaya nila Papa?

Kaya ba biglang parang bantay-sarado siya sa akin?

Pagdating ko sa bahay e nagsabi ako na sa kwarto na agad ako dahil pagod na ako. Naramdaman ko iyong pagva-vibrate ng cellphone ko at napa-tingin ako doon.

'Last two exams.'

Agad kong pinalitan iyong pangalan niya sa phone ko mula AVM at ginawa kong GLOBE. Binago ko rin iyong notification ko at saka tinanggal ko iyong message preview na option.

Ewan ko.

Alam ko naman na walang masama na magka-gusto ako sa kapwa ko lalaki pero ayoko lang ng problema kila Mama ngayon. Saka masyado pang maaga. Ayoko pang isipin.

'Wala na akong braincells,' sagot ko sa kanya.

I knew it's unfair na binago ko iyong pangalan niya saka wala naman siyang kasalanan. It's my own problem and I'll deal with it on my own. Besides, sabi naman ni Mauve na nandyan siya para sa akin. Somehow, that lightened the load. Basta alam ko na at the end of the day, nandyan iyong kapatid ko para sa akin.

Alter The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon