Chapter 33

40.4K 1.1K 303
                                    

Chapter 33

'Di ko sigurado kung changed person na ba ako o nahihiya lang ako kay Achilles dahil pina-tira niya ako rito sa condo niya kahit hindi niya naman talaga responsibilidad kahit pa maging palaboy ako sa kalye if ever.

Normally, kapag bakasyon ay naka-vacation mode talaga ako. Dati nung wala pa akong trabaho, kapag bakasyon ay ibig sabihin nun ay sa kwarto lang ako lagi. Nanoood lang ako ng kung anu-ano tapos ay lalabas lang ako sa lungga ko kapag nagugutom ako. Sabi sa akin ni Mauve ay border lang daw ako sa bahay namin. Akala mo naman siya ay hindi ganoon din. Minsan nga e hindi kami nagkikita talaga. Nagkaka-gulatan na lang kami sa kusina kapag hatinggabi na.

Pero dito sa unit ni Achilles? Ang linis! Lahat nung pwede kong linisin ay nilinis ko. Hindi lang ako nagbukas nung mga drawer dahil pakiramdam ko ay invasion of privacy. Basta iyong mga surface lang ay pinunasan ko. Saka ewan ko ba... nahihiya ako kumain. Iba iyong siya iyong nagluluto para sa akin. Iba kapag nandito ako sa condo niya na ako lang mag-isa.

"Why?" sagot ko nung tumawag si Mauve.

"Sorry," agad na sabi niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko tapos ay tumayo ako at saka lumabas sa office. "Ano'ng meron?"

Tatlong araw na simula nung doon ako naka-stay kay Achilles. So far, okay pa naman. Pero sana mag-adjust na iyong katawan ko dahil pakiramdam ko ay magkaka-constipation na ako dahil namamahay pa rin ako.

"Nakita ni Papa na kinukuha ko sa kwarto mo iyong gamit." Natigilan ako. "Kinuha sa akin. Kung gusto mo raw kunin iyong gamit mo e kunin mo sa kanya."

Napaawang iyong labi ko. Pero hindi na rin ako nabigla... 'Di naman ako tanga. Alam ko na hindi papayag si Papa na basta-basta na lang akong aalis sa bahay. Alam ko na one way or another, magkaka-problema ako dito.

"Okay," sabi ko. "Sorry din pala."

"Para san?"

"Basta."

"Okay..." sabi niya na para bang alam niya na agad kung ano ang tinutukoy ko. "Text mo lang ako kung anuman."

"Sige," sagot ko sa kanya. "Text-text na lang."

Pagbalik ko sa trabaho, pilit kong inalis muna sa isip ko iyong sinabi ni Mauve. Medyo malayo pa naman iyong start nung pasukan. Kailangan ko lang kasi makuha sa bahay iyong ibang mga gamit ko. Nandon iyong laptop, chargers, saka ibang mga gamit ko. Nakaka-survive pa ako ngayon kasi hindi ko pa sila kailangan, pero paano kapag nagstart na ulit iyong school?

Pero ayokong maapektuhan iyong trabaho ko ng kung anumang personal na problema ko. Mas lalo na ngayon. Kailangan ko 'to dahil wala na akong aasahan sa magulang ko. Ayoko ng umasa sa kanila.

Kaya ko 'to—hindi naman ako ang unang taong naglayas sa bahay.

After nung trabaho, bago umuwi sa unit ay dumaan muna ako sa supermarket. Nahihiya kasi talaga ako kay Achilles. Doon din ako bumili sa The Marketplace dahil iyon ang binibilhan niya.

Bumibili ako nung alam ko na kinakain niya—iyong salmon, steak, saka chicken breast. Pati na rin iyong ibang gulay niya. Pumikit na lang ako nung nagbabayad na sa cashier. Iniisip ko na lang na naka-tipid naman ako dahil 'di naman ako siguro sisingilin ni Achilles ng renta.

Pagdating ko sa condo, napaawang iyong labi ko nang makita ko na kakadating lang din ni Achilles. Nasa may kitchen island pa iyong paperbags nung mga pinamili niya.

"Naggrocery ka?" tanong niya sa akin.

I nodded. "Ikaw rin?"

Tumango rin siya. "Ano'ng binili mo? May kulang ba dito?" he asked.

Alter The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon