Chapter 34
Walang dahilan si Tin para magsinungaling sa akin. Wala naman sa trabaho ko ang nakakaalam tungkol sa aming dalawa ni Achilles. Hindi ko sinasabi dahil para sa akin, hindi naman nila dapat malaman. Iba iyong trabaho ko sa personal na buhay ko. Saka kung sasabihin ko man, magsasabi muna ako kay Achilles.
"San mo narinig 'yan?" tanong ko kay Tin nang maka-bawi ako sa pagka-gulat nang banggitin niya sa akin iyong sa disbarment.
"May tumawag alng dito," sagot niya sa 'kin.
"Pano mo nasabi na sa disbarment?"
Nagkibit-balikat siya. "Nangyari na rin kasi dati 'yan dito," sabi niya. "Kabit naman 'yung lawyer. Siraulo ba naman e nagpadala ng love letter nung kasal nung babae. Ayon, nagalit iyong papakasalan. Hindi natuloy iyong kasal tapos e pina-disbar iyong abogado."
Napaawang iyong labi ko. "Na-disbar?"
Tumango si Tin. "Oo. 'Di na abogado 'yon ngayon. Pero mukhang masaya naman siya. Nagka-tuluyan sila nung babae, e. First love niya ata."
Fuck.
Seryoso?
Alam ko may disbarment talaga na nangyayari sa mga abogado... pero akala ko kapag sobrang seryoso lang 'yon. Kung naka-patay ka o kung anuman na talagang ka-disbar-disbar.
Pero dahil lang nagsend ng love letter?
Buong araw akong hindi mapakali dahil sa sinabi ni Tin. Gusto ko pa siyang tanungin sa kung paano niya nasabi na may disbarment case laban kay Achilles, pero ayoko lang na magduda siya. Gusto ko ring itext si Achilles, pero alam ko na kung meron man ay hindi niya sasabihin sa akin dahil mag-aalala ako.
Alam ko na honesty iyong gusto niya sa pagitan naming dalawa... pero alam ko na rin na mas pipiliin niya na siya na lang muna ang mamroblema kaysa madamay ako.
Kaya gusto ko na itanong sa kanya sa personal. Gusto ko na naka-tingin ako mismo sa mga mata niya kasi alam ko kung kailan siya nagsasabi ng totoo at kung kailan may hindi siya sinasabi sa akin.
Gusto ko rin sanang tanungin si Mauve kung may naririnig siya sa bahay... kaya lang ay ayoko siyang idamay sa amin ni Papa. Kung may pera lang talaga ako, ako na magpapaaral kay Mauve para makaalis na siya sa bahay.
Nang matapos na iyong trabaho ko, nag-isip ako kung papasok ba ako sa school. Unang linggo pa lang naman. Alam ko na walang papasok na prof ngayon... pero pangako ko sa sarili ko na susubukan ko talagang magkaroon ng perfect attendance ngayong sem. Dati kasi, antukin lang ako e hindi na ako papasok. Tamarin lang ako ng konti, hahanap na agad ako ng dahilan para hindi pumasok.
Gusto ko sana na magbago na ngayong sem... kaso, pota, sinusubok ata talaga ako ng tadhana.
'Salamat,' text ko kay Assia nang pumayag siya nung sabihin ko na kung pwede e i-send sa akin kung magkaka-assignment man kami.
Bahala na nga.
Agad akong umuwi sa condo. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko agad si Achilles na nasa kusina. Naka-tayo siya sa harap ng ref at parang namimili roon kung ano ang iluluto niya.
"Wala kang pasok?" tanong niya nang mapa-tingin siya sa gawi ko.
Umiling ako. Nanatili lang akong naka-titig sa kanya. Normal na normal lang iyong mga kilos niya... Ginagago lang ba ako ni Tin? O talagang gumaling ng magtago si Achilles?
"Ano'ng gusto mong dinner?" tanong niya sa akin.
Hindi ako maka-sagot. 'Di ko ata kaya iyong ginagawa niya na umakto na normal lang iyong lahat kung totoo nga na may disbarment case laban sa kanya.
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...