Chapter 32
Hindi ko alam kung bakit ganito ako...
Sinabi naman sa akin ni Achilles na ayos lang na doon ako sa kanya muna habang may problema ako sa bahay...
Alam ko naman na seryoso siya nung sinabi niya sa akin na hindi problema ang tingin niya sa akin.
Pero ewan ko ba.
Ayoko talagang humingi ng tulong sa kanya hanggang pakiramdam ko ay kaya ko pa namang hanapan ng solusyon. Bakit ba ako ganito? Bakit ba hirap na hirap akong tumanggap ng tulong sa ibang tao?
"Sigurado ka?" tanong niya sa akin nung bandang 2AM na.
Tumango ako sa kanya. "Okay lang ako," sagot ko sa kanya. "At most, silent war lang sa bahay," dugtong ko para gumaan naman iyong loob niya kasi alam ko na kahit wala naman siyang kasalanan e sinisisi niya iyong sarili niya. Pero ayoko talaga ng silent war. Mas trip ko ata na magsigawan kami sa bahay. Kapag tahimik kasi parang mas nakaka-bingi.
"Dito na 'yung sasakyan," sabi ko sa kanya at ngumiti ulit bago ako lumabas sa unit niya.
Wala akong binook na sasakyan. Wala pa rin kasi talaga akong balak umuwi. Totoo naman iyong sinabi ko sa kanya... 'Di naman siguro ako pagbubuhatan nila Papa ng kamay. Nung bata ako, alam ko may ganong nangyari kay Mauve... Pero hindi na ulit naulit.
O baka hindi ko lang alam?
Ewan.
Para bang ang dami kong repressed memory nung bata ako kasi ayoko talagang alalahanin.
Mabuti na lang at nasa business district naka-tira si Achilles kaya naman kahit madaling araw na ay safe pa rin maglakad-lakad. Naghanap na lang ako ng fastfood para doon muna ako tatambay. Doon muna ako mag-iisip kung ano ba ang susunod kong gagawin.
Umorder ako ng burger, fries, at saka iced coffee float. Doon ako naupo sa pinaka-sulok. Ang daming nangyari sa araw ko pero hindi pa rin ako inaantok. Ito ba iyong tinatawag nila na adrenaline rush? Pero adrenaline saan? Sa chance na mapalayas ako sa bahay? Deep down, ultimate goal ko ba 'yon?
Taena, nababaliw na ata talaga ako.
Nakita ko na nagtext si Mauve at tinatanong kung nasan ako. Minessage ko lang sa kanya na nasa Mcdo ako. Naka-tunganga lang ako roon at naka-tingin sa kawalan.
Magmove out kaya ako? Pero hindi kasi financially possible... Ang mahal-mahal ng tuition sa Brent. Unless lumipat ako ng ibang school... Pero parang ayoko rin non.
Maghanap ako ng scholarship? Kasi kaya ko naman magbayad ng maliit na apartment basta wala akong binabayaran na tuition. Pero kaya kaya ng utak ko? Ano kaya iyong required na grades? Pero nasa law school na ako. Sana alam nila na malaking himala na kapag walang failed grades. 'Di naman siguro sila mag-e-expect ng line of 9 na grades?
Paano ba maging scholar?
Kinuha ko iyong cellphone ko para maggoogle ng available na scholarship sa Brent nang mapa-tingin ako sa harapan ko.
"Nilagyan mo ba ako ng tracking device?" tanong ko nang muling makita ko na naman si Achilles sa harapan ko. Mukhang naglakad lang siya palabas sa condo niya dahil naka-suot lang siya ng pambahay. Gray na jogger, white na t-shirt, at black na sliders.
"Mauve," sagot niya sa akin.
Kaya pala tinanong nun kung nasaan ako.
"Ah," sabi ko na lang. "Uuwi rin ako mamaya. Nagutom lang ako."
Ewan ko ba kung bakit 'di ko kayang sabihin sa kanya iyong options ko. Nahihiya talaga ako kay Achilles. Alam mo 'yon? He's got his whole life together habang ako e ang daming problemang ambag sa kanya. Nakaka-hiya.
BINABASA MO ANG
Alter The Game
General Fiction(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman 'yon. For him, he'd rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humi...