Chapter 2

166 14 0
                                    

"DIA!"

Napalingon ako sa boses ng lalaking tumawag sa akin. Agad na nangasim ang paningin ko.

"Bakit di mo raw tinanggap iyong bigay kong chocolate? Ayaw mo ba ng toblerone? Kisses, gusto mo?"

Si Joshua Alonzo. Siya lang naman ang lalaking hindi ko alam kung trip ba ako o may gusto talaga. Minsan ay nakikisama siya sa mga nantitrip sa akin pero minsan maayos siyang kausap. Mixed signals siya kaya ayoko sa kaniya.

At isa pa, anong chocolate? Wala naman akong natatanggap. Siguro ay kinain na ng mga kaklase ko iyon at hindi na binigay pa sa akin.

"Uy, Dia. Salita naman d'yan oh. May tape ba 'yang bibig mo?"

Hindi ko siya pinansin. Baka malate pa ako sa klase. Medyo natagalan pa kasi ako sa pagbabasa kanina, as usual wala na naman akong tulog dahil gusto kong tapusin ang nobelang binabasa ko.

"Dia, next time kisses na ibibigay ko. Kainin mo 'yon ah!"

Nilagpasan ko na lang talaga siya. Guwapo nga siya pero palagi niya akong pinagtitripan. Minsan ginagatungan niya pa iyong mga kaklase kong trip ako. Nakakaturn off tuloy siya.

Nang makarating sa room ay agad kaming nagka-eye contact ni Kaizer. Ako na ang nag-iwas ng tingin. Nahihiya pa rin ako sa pagcompliment niya. Hindi ko kasi iyon inaasahan.

Umupo na ako sa upuan ko na nasa tabi niya at binuksan ang bag. Hindi ko natapos ang binabasa kong nobela kaya naman dito na lang ako magbabasa.

"Pride and Prejudice?" bigla akong na-tense sa malalim na boses ng nasa gilid ko.

"O-oo.."

"Gusto mo spoiler? Tapos ko na iyan."

"Wag..malapit na rin naman ako." medyo umusod ako palayo dahil ayaw ko talagang nag-uusap kami. Hangga't maaari ay ayaw kong maging pulutan ng inggit ng mga babae na may gusto sa kaniya. Kahit alam ko namang hindi ako ang tipo ni Kaizer.

"You like Jane Austen?"

Hindi ako sumagot.

Maya-maya pa, may isang piraso ng papel siyang inilapag sa armchair ko.

"You like Jane Austen?"

Isinulat niya iyon doon. Natigilan ako.

Imbis na isulat ang sagot ko, simpleng tango na lang ang itinugon ko.

"Have you read Emma?"

Emma. Sa pagkakaalam ko ay iyon ang fourth novel ni Jane Austen. Hindi ko pa nababasa iyon. Kaya umiling ako bilang tugon.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-ngisi niya. Hindi na siya muling nagsulat pa.

Dumating ang unang teacher namin at nagpaquiz naman agad. Nakakainis. Hindi ako nagreview. Nawili ako kakabasa ng libro at hindi na nakapagbasa pang muli ng lesson. Itong teacher pa naman na ito ay mahilig magpa-surprise quiz.

Nakita siguro ni Kaizer na wala akong sagot kaya siya nalang ang nagsagot ng sarili. Sa subject na ito ay palagi ko siyang pinapakopya. Pero ngayon, wala akong mapakopya sa kaniya. Kinakabahan ako dahil baka hindi niya na ako pakopyahin sa math—

"Give me your paper." he mouthed.

Napatunganga ako. Hindi ako sumagot kaya siya na lang ang gumawa. Pasimple niyang pinagpalit ang papel namin. Nahiya ako dahil wala ni isang sagot ang papel ko. Pero siya ang nagsagot non.

Sinagutan niya ang papel ko...

Mabilis niyang natapos ang 20-item quiz ko. Economics ang subject namin ngayon at alam kong bokya talaga ako. Pero sinagutan niya nang walang kahirap-hirap ang papel ko.

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon