Chapter 30

108 8 0
                                    

Mahirap ba talagang iraos ang isang taon na wala kang magiging mabigat na problema? Kailangan ba sa buhay, magiging masaya ka nang panandalian at biglang bubuhos ang sakit pagkakuwan?

If this is life for me, then I don't know what I did for it to be like this.

"Mild stroke.." naupo si mommy sa tabi ni baba.

Mabigat ang puso ko na naupo sa tabi niya. Natutulog sa gilid namin si baba. Kagabi, sinugod namin si baba sa hospital dahil nanginginig siya. Naninigas ang katawan. Hindi namin napansin na ilang buwan na pala siyang ganito. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil puro problema ko lang ang iniisip ko at hindi ko na naisip na nagkakasakit na pala si baba.

Sobrang selfish ko!

Baba was there, lying on the bed, helplessly. Naaawa ako. At the same time, I was blaming myself. Puro na lang sarili ko ang iniisip ko!

"Ako na po ang bahala sa gastos, my.." iyon na lang ang nasabi ko.

"Pero...ginagastusan mo ang sa bahay, iyon na lang ang pagtuunan mo."

"May ipon pa naman po ako."

"Kaya pa naman namin iyon. H'wag ka nang mag-abala. Iyong bahay ang gastusan mo."

"Kahit hati tayo, my?" I pleaded. Hindi ako papayag na hindi ako makatulong kay baba.

"Fine...pero sa susunod, Dia..huwag na."

Lumapit ako kay baba at hinalikan ang noo niya. "Baba, pagaling ka po please."

Natutulog pa si baba. Kaya naman umayos na lang ako ng tayo.

It has been months since Kaizer and I met each other again. Pagtapos no'n ay parang nothing happened. Parang hindi na ulit kami magkakilala. I rejected his proposal to be friends again. Hindi yata kakayanin ng puso ko iyon. Baka imbis na mag move on ako ay mas lalo akong mahulog.

And I don't want that to happen. Hindi dapat sinisira ang pamilya. Kahit pa hindi nila mahal ang isa't-isa.

Nagpatuloy ako sa buhay. It's already June in 2014. Gano'n lang kabilis dumaan ang panahon na parang isang flash lang ang nangyari at heto, narito ka na. Akala ko sa mga nagdaang buwan, magiging normal na lang ulit ang buhay. Sa mga nagdaan na buwan, walang nangyaring kahit ano. But today was different.

Baka ganito talaga ang kapalaran ko? I tried so hard to think that destiny doesn't matter. That God isn't that involved in our lives. That he just let us be. But with baba getting sick, I am starting to have second thoughts again.

Suddenly, gusto ko na namang may sisihin. And I hate my mind because of it.

IT WAS Saturday. I went to Ven's condo because Naomi told me that he's not attending school. Maging sa hospital ay wala siya, isang linggo na.

"Naomi, narito na ako. Ako nang bahala kay Ven. Salamat." I said as I ended up the call. Naomi is his friend in the hospital.

Kumatok ako nang ilang beses pero walang nagbubukas. Kahit sumigaw ako at katukin siya nang malakas ay parang wala pa rin. Baka naman wala siya rito?

But when I shouted for the last time, the door creaked open. It was him.

"Ven!" nanlaki ang mga mata ko. He's intoxicated! At nang tignan ko ang sala niya ay puro iyon alak. Basag pa ang ilan.

Nang ibalik ang tingin sa kaniya ay doon ko napansin na may ilan siyang sugat sa mukha at katawan.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mga nakikita ko. I hate this. Bakit parang sunod-sunod na naman ang mga problema? We were okay for months!

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon