Chapter 34

100 8 0
                                    

"HAPPY BIRTHDAY DADDY KAI"


Natigilan ako nang pagpasok ko, ay mayroong mga handa. I saw Seira and Talia decorating things together. Nang makita nila ako ay agad kong tinago sa likod ko ang resignation letter ko.

Damn, how can I forget that today's his birthday? November 14 pala ngayon. Bakit hindi ko iyon naalala?

"Oh, narito ka na pala Dia. Kanina ka pa namin hinihintay. Tulungan mo nga si Talia isabit ang mga balloons sa paligid, para mabantayan ko ang spaghetti na niluluto ko."

"Sorry po, tutulong po ako agad..." I hid the envelope inside my bag. Agad akong pumunta kay Talia at tinulungan siyang magdikit ng balloons.

"Yaya Dia, do you have a present for daddy Kai? Ako, may present po!"

Tinignan ko ang bata, hindi ako agad nakapagsalita. Wala akong regalo sa kaniya. Ni hindi ko nga alam na birthday niya ngayon. Magre-resign lang dapat ako.

"I asked daddy Kai what he wanted for his birthday. He said he wanted a book. Yaya Dia help mo po ako i-wrap ito! I kept it secret po even kay mommy eh.." nanakbo ang bata sa may bookshelf at may kinuhang libro.

Halos natigilan ang buong sistema ko nang makita ang librong akda ko. Ang pinakauna kong libro. Na siya mismo ang bida.

"A chance for a fate." I mouthed as I held the book. "Who told you about this book?"

"Si daddy po. He said it was a fairytale where the main character is a star, and the boy is just a human. Sabi niya po the star helped the boy reach the sky, but the star fell out of love for him. Have you read this book, yaya Dia?"

Parang kumikot ang puso ko nang sabihin niya iyon. I bit my lower lip firmly and I shook my head. "I'll help you wrap this present. Pero, tapusin muna natin ang mga balloons, okay?"

"Okay po!"

Inabot kami ng tanghalian sa pag-aayos. Ang sabi ko kay Seira ay uuwi rin ako para mabigyan ko sila ng oras para i-celebrate ang birthday ni Kaizer. Ang pangit naman kung nandito ako, hindi naman nila ako kapamilya.

"Dia, okay lang talaga. Tsaka, wala namang ibang kakain ng handa. Huwag ka nang umuwi."

"Hindi na, ma'am..para na rin magka-bonding kayo. Babalik na lang po ako mamayang gabi o bukas."

Para ibigay ang resignation letter ko.

Hindi na nagpumilit si Seira kaya umuwi na lang ako agad. Pagkauwi ko ay sinalubong ako ni mommy.

"Natagalan ka?"

"Hindi ko pa po naibibigay iyong resignation letter ko. Birthday po ngayon ni Kaizer.."

"Ah..bukas mo na ibigay. Hayaan mong makasama niya ang pamilya niya ngayon."

Parang may bahid ng kirot ang naramdaman ng puso ko nang sabihin niya iyon. Pero hindi ko na lang pinansin. Pumasok ako sa loob at nakita kong nakapagluto na si mommy. Agad akong umupo at kumain. Sumunod naman din si mommy at kumain na rin.

"Binati mo ba?"

Nag-angat ako ng tingin, "Po?"

"Si Kaizer, kung binati mo kako?"

"Hindi ko na po naabutan, umuwi agad ako.."

"Amo mo pa rin iyon, kahit sinasadya mo lang na maging katulong nila. Bukas, batiin mo, para namang hindi kayo naging magkaibigan noon."

I gulped and looked away. Parang ayoko na ngang kausapin iyon..

"Kailan ka ba pupunta? Mamaya o bukas na?"

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon