Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Ang laki ng pinagbago ko. It's another day of fan signing event. Para roon sa bagong release kong libro. I entitled it 'Come What May', it means no matter what happens. Hango ko ito sa kantang come what may ng Air Supply. Na-LSS ako isang gabi at doon ko naisip gumawa ng libro.
In my book, I envisioned the girl to be strong. No matter what happens, she'll always be strong. But there will always be time that they will feel weak and vulnerable. Hindi naman palaging malakas ka diba? Dahil paano pag napagod ka? Pag sinubok ka na ng panahon at ang tanging gusto mo na lang gawin ay magpahinga? Come what may, she believes. Such an optimistic approach to life. But a very hard thing to maintain. So come what may, can she still?
Lihim akong napangiti habang pumipirma sa mga librong binili ng mga readers ko. Hindi ko pinapakita ang sariling mukha dahil ayaw kong may makakaalala sa akin mula noong hayskul. Ayaw kong maalala pa nila ako. I wanted my readers to only look at me in the eye. As if it's the only way we can communicate.
"Ma'am, puwedeng palagyan na raw po ng 'I love you'? Ah...tatlong libro na po itong dinala ko!" nagulat ako nang bumalik ang lalaki dala ang tatlong iba't-ibang klase ng libro ko.
I smiled at him. Naaalala ko siya. "Kuya, pasensya na po, ah? Napagalitan po ba kayo nung nakaraan?" tanong ko habang pinipirmahan at sinisigurong may 'i love you' ang bawat isa.
"Naku ma'am...sakto lang. Mukhang na-disappoint lang ang boss pero nang makita niyang may pirma mo eh parang natuwa."
"Pasabi na lang po sa boss niyo, maraming salamat sa suporta!"
"Ma'am, makakarating po! Fan na fan po ang boss ko kaya nga lang eh busy po sa trabaho kaya ako ang pinapupunta. Salamat ho, ma'am!"
Ngumiti ako nang umalis ang lalaki. Sinundan ko pa ito ng tingin. Nakatutuwa at talagang nakatataba ng puso ang mga ganitong simpleng senaryo. Iyong kahit busy ang reader ko, nagagawa niya pa ring gumawa ng paraan para makasigurong may pirma ko ang mga libro niya.
I never knew I could make it this big. Walang pasabi ang panahon at hindi ito ang inaasahan ko. Para sa akin, masaya na ako sa isa o dalawang readers. Masaya na ako sa sampu. Masaya rin ako sa isang daan basta makapamahagi ako ng mga kuwentong may aral. Gusto ko lang maibahagi sa kanila ang mga aral sa buhay na natutunan ko, nang sa gayon ay matuto rin sila.
That's my goal.
But the universe made me shine brighter than what I have ever dreamed of. I am literally a star now, Kaizer! Our younger selves must be so proud today.
Nang matapos ay agad din akong umuwi. Pag-uwi ko ay naroon si Raven at ang laki ng ngiti. Mukhang ang saya niya ata ngayon?
"N'yare sa mukha mo? Di ka ba masaya?" pansin nito sa akin.
"Ha? Normal ko ito. Baka ikaw kamo, mukhang sobrang saya mo."
"Si Seira, pabalik-balik sa hospital."
"Ha? Anong nangyari sa kaniya? Is she okay?" nag-aalala kong tanong. Bakit parang masaya pa ang kulokoy na ito gayong na-ospital na nga si Seira?
"May sakit. Matinding sakit."
Namilog ang mga mata ko. At para akong kinabahan sa sinabi niyang iyon.
"Anong sakit?"
"Ano ba tawag do'n?" pumitik pa siya na mukhang inaalala, "Ah! Iyong sakit niya, ang tawag don KSP."
"Ha?" natigilan ako.
"KSP. Kulang sa Pansin." ngisi nito.
"Anong ibig mong sabihin?"

BINABASA MO ANG
Return To Me
Romance"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...