"But I won't stop loving you, even after you have returned."
Ang sinabi niyang iyon ay naglalaro pa rin sa aking isipan. He just wouldn't stop, would he?
Kahit ano sigurong pagtataboy ang gawin ko, hindi magbabago ang kahit ano pagdating sa kakulitan niya. Linggo na ang nakalipas, nanatili pa rin ang pasulyap-sulyap niyang tingin.
Sometimes, I would notice the way he look at me while i'm cleaning. Minsan kapag nanunuod siya ng TV at makikita niya akong dumaan, ay ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin.
Hindi iyong paninilbihan kay Seira ang mahirap, kundi ito.
"Care for some tea?"
"No, thanks." walang kagana-gana kong sagot.
"How about coke?" he pursed his lips, "Or juice?"
"Hindi na. Kung nauuhaw ako, edi sana kanina pa ako uminom diba?"
"Sungit." mahina niyang bulong.
Ang galing, siya ang amo pero ako itong masungit. Ganoon talaga siguro, makulit talaga siya, eh.
"Will you be here for my birthday?" napaangat ang tingin ko nang tanungin niya iyon. His birthday is in days. Malapit-lapit na rin.
"Siguro."
"Will you give me a present, though?" he smirked at me. "Anything from you will complete my day."
"Hindi ako ang asawa mo, ha. Baka nalilito ka." I scoffed at him. Kay Seira niya dapat sinasabi iyon.
"I know who I love, Dia."
Napapikit na lang ako sa inis. This is unfair for Seira! Buong akala niya ay mahal siya ni Kaizer, tas gaganituhin lang siya?
"Kahit isang libro mo lang..." he leaned against his seat. "Iyong may pirma mo. Tapos may 'i love you'."
Napasinghap ako, at ang mapaglaro niyang ngisi ang sumalubong sa akin nang magtama ang paningin namin. I suddenly remembered someone!
"Ikaw 'yon?" hindi makapaniwala kong tanong.
But he just smirked at me. He crossed his arms as he leaned against his seat, "Come on, you literally see me everyday. Ba't gusto mo pa akong makita?"
Napakunot ang noo ko. Suddenly, gusto kong ihampas sa kaniya ang walis na hawak ko!
"Ginagago mo ba 'ko?"
He raised his brow, "Masama bang maging fan mo?"
"Hindi ka naman nagbabasa ng wattpad! You don't like flowery words, you don't like reading stories!"
"But it's your book we're talking about. Everything you do interests me. So, ano ngayon kung hindi ako palabasa ng libro? I did that because I am interested in you, and in everything that you do." tumayo siya na siyang ikinatigil ng buong sistema ko.
"I learned so much from you. Nalaman ko ang mga opinyon mo. Nalaman ko kung paano ka nagbago sa mga nagdaang taon. Wala man ako, pero pag nababasa ko ang mga akda mo, parang ang lapit ko pa rin sa'yo."
"Kaizer, ano ba talagang gusto mo? Bakit ka ba ganito? Tuwi na lang wala si Seira, bumibira ka ng gan'yan." inis kong tugon.
"I already told you what I want."
"At anong gusto mo? Maging kabit mo 'ko? Gago ka ba?"
He suddenly scoffed and looked away, parang nahirapan siyang i-counter ang bagay na iyon.
"I..wasn't trying to make you a mistress. I'm sorry if you ever felt that." narinig ko ang malalim niyang buntong hininga, "Gusto ko lang malaman kung may natitira pa. Kasi Dia, gusto kitang ilaban. Hinihintay ko lang na gumaling si Seira."
BINABASA MO ANG
Return To Me
Romantizm"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...