Chapter 19

110 9 0
                                    

"NAKAKAPAGOD."

I stretched my arms and back. Ilang oras akong gumawa ng essay. Magka-video call kami ni Kaizer at nakikita ko siyang nagsusulat. Sinasagutan niya ang mga commission sa akin sa math. Hindi ko naman kasi iyon talaga kayang sagutan. Minsan, nakikikopya na rin ako. Papahirapan ko pa ba ang sarili ko?

"Kai.."

"Hmm?"

"Ilang notebook pa ang sa'yo?"

"Tatlo na lang."

Ngumiti ako at tumango. Malapit na rin pala siyang matapos. Ako, isang essay na lang. Pinagawa nung 3rd year na kaibigan ni Eva. I really am lucky to have friends like them. They didn't stop supporting me in my so called business. Kapag may pagkakataon, kahit maging sa ibang year level dinadala nila iyong portfolio ko. Gumawa na kasi ako ng portfolio para madaling magtiwala ang mga estudyante na kaya kong gawin ang mga essay nila.

"Why are you staring at me like that?" nabalik ako sa ulirat nang makitang nakatingin na siya sa akin. Hindi ko na-realize na nakatitig na pala ako sa screen!

"Oy di ahh.." depensa ko na lang.

He laughed softly and I couldn't help but to stare more. Ang guwapo niya lalo lalo na kapag nakangiti siya at lumalabas ang bunny teeth niya, tapos umaalon ang adam's apple niya. Seryoso, how did I pull up someone as handsome as him?

"Hindi pa rin ako sanay.." he suddenly said. Napakunot naman ang noo ko. "Saan?"

"To see your new hair." nangalumbaba siya habang hawak ang lapis niya. "When I used to stare at you back in first year, I would always look at your long and straight hair. And when I see you waiting for the jeepney in the waiting shed, I would always stare at your hair while it's being blown by the wind."

I suddenly felt butterflies in my stomach. Now, I feel like blushing. I know he already confessed a lot, but this little details that I didn't know makes my heart melt. I didn't know this much.

"But I like the new you."

"Bakit naman?"

"I just feel like you're much stronger today. Hindi ka na laging nakatungo. Hindi na natatakpan ng mahaba mong buhok ang magandang mukha mo. I just feel like you're way more confident today, Dia."

I blinked twice. Am I really confident now? Bigla akong napaisip. Maybe because the new environment I have is healthy? Maybe it's really one of the factors why I changed for the better. Na kahit na may masalimuot na nangyari sa akin na hindi ko na mabubura pa, I chose to be better for myself and not let the past conquer me.

And I am thankful for the people who helped me, even if they weren't aware.





"FINALLY!"

Natapos ko na rin ang essay. Para rito, 50 pesos ang binayad sa akin. Mahabang essay kasi ito at kailangan ng matindihang pagse-search. Hinuli ko ito dahil alam kong matatagalan ako.

"You're done?" he asked.

"Yup. Ikaw ba?"

"Tapos na rin."

It's already 11 pm. Buti na lang walang pasok bukas. Sabado naman. Kaso, mayroon akong klase kay teacher Mia. Baka magpuyat din ako dahil magsusulat ulit ako. Pakiramdam ko kasi, ginaganahan akong magsulat ngayon. Naayos ko na rin naman ang plot para sa chapter na iyon, the only thing that's left to do is to write it on a blank canvas. Which I will do later.

Nang sinend niya sa akin ang mga sagot niya ay agad ko itong kinopya. Tahimik lang akong nagsusulat at napansin kong medyo mahaba-haba ito. Grabe, ang haba ng solution niya! Paano niya naiisip ito? Sa totoo lang, tuwing pre-calculus ang subject namin lumilipad ang utak ko. Minsan nga nakakatulugan ko pa ito. Iyong teacher kasi namin, ang hinhin ng boses. Parang pampatulog ba. Imbis na ganahan ako ay mas inaantok pa ako.

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon