"KAYO NA ANG BAHALA."
Naghiyawan sa tuwa ang mga kaklase ko nang mapagdesisyunan ni sir na kami na ang pipili ng ka-pair sa research namin. Small thesis na nga rin pala ito at kailangan daw experimental. Kung wala rito si Kaizer ay paniguradong ako ang nag-iisang matitira na walang pumiling ka-pair.
Thank heavens he's here.
"Sabi sa'yo, Dia. Akong bahala." kindat nito sa akin. It's very unlikely of him to do that. Nakakagulat tuloy.
"You may now start brainstorming with your pairs. I'll give you one hour. Bumalik kayo rito ng 3:00."
Pinayagan kami ni sir na pumunta sa library o kung saan mang magiging komportable kaming magbrainstorm. Ang thesis kasi na ito ay magtutuloy hanggang 4th year. Kumbaga ang chapter 1-3 ang ngayong year, 4-5 naman next year. Parang luge ako ngayong taon ah?
"Tara, library tayo."
Tumango naman ako. Nang makarating sa library ay kumuha kami ng mga nagustuhan naming thesis mula sa mga libro ng seniors namin na graduate na. Tapos ay nilagay namin iyon sa table.
"Don't worry, I will still help you. Pero next year, ako nang bahala sa computations." napatingin ako.
"S-start muna tayo sa topic. Ano bang gusto mo?"
"Ikaw?"
"Ha?"
"Ikaw muna magsuggest."
Napatikhim ako. "Uhm..kung experimental..alam mo iyong hydroponics?"
"Mhm. Yeah. Water-based planting?"
"Iyon sana..pwede rin naman ang vermitea tapos gusto mo itanim natin yung halaman sa iba't-ibang concentrations."
Nagjot down siya ng notes. One thing I also noticed is how good his handwriting is. Napakalinis at consistent. Mahilig din siyang magsulat ng notes at masipag mag-aral. Tamad lang talaga siya sa mga essay kaya kailangan niya ako roon.
"You know serpentina plant?" he suddenly asked.
"Yeah. The herbal plant?"
"Mhm. We can use it as the plant that we'll grow using different vermitea concentrates."
Napatango naman ako. "Pwede nga. Lagay mo iyon."
Matapos naming makapili ng topic ay naglagay kami ng kaunting info. I like how our minds complement each other. Na ang mga ideas ko, tumutugma sa kaniya. Halos parehas ang gusto naming mangyari sa thesis namin.
Alas tres nang makabalik kami at pinasa na namin ang draft ng topic namin. Next week daw ang title. Bigla akong nabuhayan kasi ito ang unang beses na may pumili sa akin sa pairing, at iyon pa ang pinakahindi ko inaasahang tao.
Math ang last period. Buti na lang discussion lang. Lutang na naman ang utak ko. Palibhasa'y mahina ang utak sa math, walang saysay ang sinasabi ng teacher namin dahil panigurado namang lalabas din iyon sa utak ko at hindi na babalik pa. Kaya habang nagdidiscuss siya ay pasimple na lang akong nagbasa ng libro.
Tinuloy kong basahin ang binigay na libro ni Kaizer, tagong-tago ako sa likod.
Habang nagbabasa ay may pinatong siyang papel sa akin.
"Coffee after class?"
Kumunot ang noo ko. Niyayaya niya ba ako magkape? Pero bakit? Anong rason? Imposible namang para ituloy ang brainstorming namin dahil next week pa naman ang pag gawa ng title.
Nagsulat na lang ako ng maliit na X sa ilalim noon. Don't get me wrong. I wanna befriend him. But right now isn't the time to have a coffee. Dahil bukod sa wala namang importanteng dahilan, ay gusto kong makauwi nang maaga para makipaglaro ng computer games kay baba.
BINABASA MO ANG
Return To Me
Romance"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...