Chapter 18

114 9 0
                                    

MONDAY, It's his first day in Mendez. Napagkasunduan namin na magtext na lang dahil sigurado namang hindi na namin makikita ang isa't-isa kung kelan namin gusto. Masyadong malayo ang Mendez para magpabalik-balik siya rito.

Nagpatuloy lang ako sa araw ko. Masaya naman dito sa PCNH. Marami akong naging kaibigan. Feeling ko para rito talaga ako. Dito ko na rin sisimulan ang bagong buhay ko.

"Hala, new look 'yan!"

"Ang ganda ni ante!"

"Dia, ba't ka nagpa-short hair?!"

"Hala si ate, naglaro ng ganda-gandahan." 

Pagpasok ko sa room, pinagkumpulan ako ng mga kaklase ko. Noong makita ni mommy na ginupit ko ang buhok ko, galit na galit siya. Lalo na at pinakaiingatan niya rin ang buhok ko. But I said that I wanted some change in me. I wanted to look different. Kaya wala na siyang nagawa. Pina-salon niya ako dahil hindi pantay ang pagkakagupit ko. Ang dapat sanang medium-length cut lang ay naging sobrang ikli, hindi na umabot ng shoulder-length ang cut. 

"Bagay na bagay pala sa'yo ang short hair, teh." sabi ni Nika at tumabi sa akin.

"Broken ka, 'no?" biro ni Eva. Umiling naman ako. "Gusto ko lang ng ibang itsura.."

"Bakit? Ayaw mo sa itsura mo noon?"

Ayaw na ayaw.



The day continued. Hanggang sa mag-uwian ay panay ang tingin nila sa akin at sa bago kong gupit na buhok.


"MGA GAGO TALAGA KAYO! Sinong nagtago ng selfon ko?" iyak ni Apple. Siya naman ang biktima ng pang-aasar ngayon.

Impit ang tawa ng mga kaklase kong pinagplanuhang itago ang cell phone niya dahil sa isang surpresa. Ngayon, hindi na ako nangangamba. Dahil kasama ako sa plano.

"MGA BEH, ilabas niyo na maawa na kayo sa puki ko! Nagtext na 'yung mama ko."

"Beh, hindi nga namin alam ang kulit mo." nguso ni Eva.

"Hayup kayo, pag nakita ko sa mga bag niyo 'yung selfon ko, ipapa-blotter ko kayo!"

"Ilabas mo na kasi, Joseph!" asar nung isa sa kaklase naming nagpapahangin sa tapat ng electric fan. May panyo pa ito sa ulo.

"Tangina, bakit ako? Si Kentot nagtago no'n!"

"Mabait na 'ko! Tarantado ka, 'wag mo 'ko idamay!"

"Nagtuturuan pa kayo mga kingina niyo!" pinaghahampas at pinaghahabol ni Apple ang mga kaklase naming lalaki. Nagtatawanan naman ang mga ito na tumakbo palayo sa kaniya.

"'Wag ka nang umiyak, Apple. Ampangit mo, eh!"

"Che! Ilabas mo muna selfon ko pota ka!"

Maya-maya lang din, nang umiiyak na si Apple ay nilabas ko na ang cell phone niya. Sa akin pinatago ng mga kaklase ko dahil may isa pa silang surpresa sa kaniya, at alam nilang hindi magagalit sa akin ang babae.

"D-Dia? Taena, kasabwat ka ng mga galunggong na 'to?"

"Happy birthday. Hindi ito iyong nawawala mong cell phone, pero binilhan ka namin ng bago dahil sira na raw iyong cell phone mo." ngiti kong inabot sa kaniya ang bagong cell phone. Tagbe-bente kaming ambag dito para makaipon pambili niya ng selfon.

Agad naman niya akong niyakap na siyang ikinagulat ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba. I had the urge to push her away, but seeing her genuine smile and cries, I decided to suppress my feelings away.

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon