Chapter 17

128 9 0
                                    

TRIGGER WARNING: Sexual Assault. Suicidal Ideation.


------





I woke up from a deep sleep. Nagising lang ako dahil sa alarm ko. And to make it more unusual, it's my alarm for my daily routine for reading. Alas tres na.

Kinusot ko ang mga mata ko at napansin kong mugto pa rin ito. Sobra yata ang iniyak ko kagabi. I really hate being a crybaby. Napakababaw ng luha ko. Kaunting maramdaman ko maiiyak ako.

I yawned and stretched my body. Napatingin ako sa bedside table. Napakurap ako nang makita ang isang baso ng gatas at isang sandwich. Pero parang kanina pang umaga iyon, kaya hindi ko na kakainin. There's a note beside it, too.

"I will leave early. I locked the door so you'll be safe. I love you, Dia. I'll see you soon. I'm sorry, too." -Kai

I can only heave a sigh.

Binaba ko na lang ang pagkain para itapon. Siguradong kaninang umaga niya pa iyon ginawa. Alas tres na. Ni hindi ako nakapag agahan at tanghalian.

"Aba, prinsesa buti naman at nagising ka na?" asar ni mommy. Nakangiti naman ito sa akin.

"Kumusta po ang business, my?"

"Maayos naman. Galing akong Muntinlupa kagabi. Ikaw, kumusta ka? Dito ba natulog si Kaizer? Sinabi ko sa kaniyang bantayan ka."

"Mommy naman, alam mo namang lalaki pa rin iyon..bakit mo dito pinatulog?" inis kong saad.

Tinaasan lang ako ng kilay, "Aba, bakit? Malaki ang tiwala ko sa batang iyon. Siya na lang ang katuwang natin ngayon, alam mo 'yan."

Inis akong umiwas ng tingin. Tinapon ko na lang din ang ginawa ni Kaizer, maging ang note niya. Hindi ko alam, kakagising ko lang naiirita na naman ako.

"Bakit parang badtrip ka? May ginawa ba sa'yo?"

Nanlaki ang mga mata ko at umiling, "Wala po!"

She narrowed her eyes at me, then goes back to watching. "Wala naman pala, eh."

Napanguso na lang ako at nagkalkal ng makakain sa kusina. Magce-cereal na lang muna ako. Gutom na gutom na rin ako at gusto ko ng madaling gawin na pagkain.

"May niluto akong bistek d'yan, nakita mo nang hindi ka nakapagtanghalian magce-cereal ka pa." pinagsabihan ako ni mommy nang akmang bubuksan ko na ang box ng cereal.

Tumango na lang ako at nagsimula nang kumain. Ang sarap ng bistek na gawa ni mommy. O baka gutom lang talaga ako? Ang haba ng tulog ko.

Biglang sumagi sa isip ko ang breakfast na dinala ni Kaizer. Does that mean he went inside my room? Dumb, Dia! Of course he went there!

Nakita niya kaya kung paano ako matulog? May muta kaya ako? O panis na laway? Nakakahiya naman kung gano'n. Napailing-iling na lang ako habang iniisip iyon.

Hindi pa ako natatapos kumain nang marinig kong tumawag si baba kay mommy. Agad kong nilingon si mommy.

"Oh? Jacob? How are you there—what?!"

Her shout piqued my interest. It doesn't seem like a good news, based from her expression.

"Oh dios ko..."

"Mommy, ano pong nangyari?" hindi ko na napigilan ang tumayo at lumapit sa kaniya. Pero hindi niya ako pinansin.

"Jacob naman!"

Salubong ang mga kilay kong pinakinggan si mommy. Kinakabahan ako. Bakit ganito na lang ang reaksyon ni mommy?

"I don't know! Why did you trust that company? You didn't even check?!"

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon