Mabilis na nagdaan ang araw. July na agad. Naka-isang buwan na ang klase. Sa mga nagdaang araw ay naging abala kami ni Kaizer sa pag-aayos ng thesis namin. Tuwang-tuwa si sir dahil kami raw ang pinakaunang natapos. Dahil sa isang linggo lang, natapos namin ang Chapter 1 hanggang 3. I feel accomplished. May kaunti mang revisions ay mabilis din naman naming natapos.
Sa mga nagdaang araw din ay napapansin ko ang mumunti niyang sulyap sa akin. Pero hindi naman iyon big deal dahil ganoon din naman ako sa kaniya. At nakatutuwa lang dahil magkatabi na ulit kami at hindi na ako sinisiko ni Ivy sa boobs. Sa isang buong araw kasi na naging katabi ko iyon ay palagi niya akong sinisiko tas ngumingisi pagkakuwan.
"Ice cream?" umangat ang tingin ko at natigil sa pagsusulat.
It was Kaizer, handing me a dirty ice cream. Parang tumalon ang puso ko.
"Baka matunaw 'to, sige ka."
Tinanggap ko ang ice cream at agad na dinilaan ito. Kasi, tumutulo na. "Saan mo ito binili?"
"May dumaan sa labas ng campus."
Tumango naman ako. Umupo siya sa tabi ko. Meron din pala siya. Nakita ko naman ang mapanghusgang tingin ng mga kaklase ko, pero wala naman silang sinabi tungkol doon.
"Dia."
Napalingon ako nang tawagin niya ako. "Hm?"
He handed me a cassette. I narrowed my eyes on it. Para saan itong cassette? And why is he giving me this?
"A-ano ito?"
"Pakinggan mo pag bored ka." kumunot ang noo ko. Bakit niya binibigay ito sa akin?
"S-sige.."
Nilagay ko na lang din sa bag ang cassette. Inubos ko na ang ice cream at bumalik na rin sa pagsusulat. Nililipat ko kasi ang magulo kong notes sa malinis kong notebook para maintindihan ko naman. Ang pangit ko kasing magsulat kapag nagmamadali.
Napansin kong nakatingin lang siya sa akin habang nakapangalumbaba. Nakaramdam ako ng kaunting ilang. Pero pinagpatuloy ko na lang din ang pagsusulat.
Nalaglag ang mahaba kong buhok sa mukha ko habang nagsusulat. Maigi iyon. Para hindi niya makita ang mukha ko—
He held the strands of my hair and put it behind my ear!
Para akong nanigas sa kinauupuan. Pakiramdam ko sobra akong nahihiya at namumula. Sana ay walang nakatingin na kaklase namin. Bakit niya ginawa iyon? Bakit niya nilagay ang buhok sa likod ng tenga ko?
"I can't see your notes." inangat ko ang tingin at kumunot ang noo ko.
"May notes ka naman.."
"Masama bang tignan?" taas-kilay nitong tanong sa akin.
Masama nga ba?
Ang masama ay iyong paghawak niya sa buhok ko!
HANGGANG sa pag-uwi ay hindi ako tinantanan. Sabay na raw ako sa kaniya dahil parehas lang naman ang daan daw. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming magsabay umuwi. Baka mamaya ay ma-isyu pa ako. Sobrang sikat lang naman nitong kasama ko.
Isinuot niya na sa akin ang helmet. Bago iyon at hindi ko pa nakikita. Kulay itim. Baka bagong bili niya iyon.
"Ayan, wala nang makakakilala sa'yo." kumislap ang maganda niyang bunny teeth nang ngumiti siya. Para akong laging na-eestatwa pag nginingitian niya ako dahil hindi niya naman iyon madalas gawin sa iba. Komportable ba siya sa akin?
"Sakay na."
Inalalayan niya ako sa pagsakay sa motor niya. Hawak niya rin ang kamay ko at nilagay niya sa balikat niya habang sumasampa ako sa motor. Nang ayos na ay saka siya nagsuot ng helmet.
BINABASA MO ANG
Return To Me
Romance"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...