"MAGBALIK tayo sa nakaraan."
Sa wakas ay nakapasok na kami sa loob ng museum ng Aguinaldo Shrine. Tunay ngang napakaganda ng loob nito. Wala akong masabi. At tulad ng ibang museum ay marami ring mga bagay at gamit ang naiwang presidente na naka-display para makita ng mga tao.
Some of the late president Aguinaldo's belongings like the Vara De Mano or the ceremonial mace were displayed. Natuon ang atensyon ko rito.
"Oh hindi 'yan magic wand, ha. Wala tayo sa harry potter." mahinang nagtawanan ang mga estudyante. Ipinaliwanag naman ng tour guide kung ano ang bagay na iyon. "Ang Vara De Mano o ceremonial mace ay isang simbolo ng awtoridad na ginagamit ng mga taong may mahalagang posisyon sa gobyerno noon. Gumamit din ng Vara De Mano ang yumao nating presidente."
Marami pa siyang ipinakita katulad ng mga espada, uniporme, badges, pants, na sinuot ni president Aguinaldo. Nilibot din namin ang mga kuwarto. Malaki pala talaga sa loob ang museo, tapos well-maintained din at napakalinis tignan. Ang bawat sulok ay kakikitaan mo ng bahagi ng nakaraan. Bahagi ng istorya kung saan namuo ang ulirat ng dating presidente.
"Noong Hunyo 12, 1898, tuluyang nakalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga espanyol. At taon-taong iginagawad ang Philippine Declaration of Independence from Spain sa mismong lugar na ito, sa Kawit, Cavite."
Patuloy lang kaming nakikinig habang nililibot ang buong bahay ni Aguinaldo.
"Si Emilio Aguinaldo ang pinakaunang presidente at ang nag-iisang presidente ng Republiko ng Pilipinas. At ang Emilio Aguinaldo Shrine ay tinatawag ding Cavite El Viejo Shrine. Because on June 12, 1963, he donated his home to the Philippine government to relive the Philippine Revolution of 1896 that ended the 333 years of Spanish colonization in our country."
Sa paglalakad ay napaisip ako. Tinatawag na araw ng kalayaan ang paglaya natin mula sa mga mananakop na español. Ngunit tunay nga bang nakalaya na tayo? O patuloy pa rin tayong nagiging sunud-sunuran sa ibang bansa sa iba't-ibang larangan sa ekonomiya?
Tunay na naging malupit ang mga español sa pananakop nila sa atin. Doon naranasan ng mga pilipino ang maging mas mababa pa sa mababa, na ang tawag nila ay indio. Just thinking of that term irks me. Dahil hindi ko matanggap na gano'n na lang tratuhin ang mga ninuno natin, na ang tangi lang naman na hangad ay ang makalaya sa mahigpit na gapos at pag-aalipusta nila.
Nang makalaya tayo sa mga español, nakalaya na ba talaga tayo? Tunay nga bang dapat ipagdiwang ang independence day kung hanggang ngayon ay hindi pa naman talaga tayo malaya? O ako lang ang nag-iisip ng bagay na iyon?
Dahil matapos ang pananakop ng español, sinakop naman tayo ng mga kano. They taught us how to speak their language, kabaligtaran ng ginawa ng mga español na ipagkait ang kanilang lenggwahe. Binigyan tayo ng mga bagong sistema salungat ng malupit na sistema ng mga español. They call it the 'Torrens system', pero may trust issues na ang mga pilipino, at mas lalo pang tumaas iyon dahil sa nangyaring sistema na ang mga amerikano ay patuloy na yumayaman habang ang mga pilipino ay naghihirap.
At hindi lang iyon, muli tayong sinakop ng ibang bansa. Mga hapon ang sumunod na dumayo at ginulo ang mga pilipino. Malupit at madugo ang tatlong taong pananakop ng mga hapon sa Pilipinas. Kaya kung tatanungin. Malaya na nga ba talaga tayo?
Dahil kahit ngayon, pakiramdam ko hindi pa rin. Pakiramdam ko dadating ulit ang panahon na masasakop ulit tayo ng mga naghaharing bansa. At iyon ay lubos kong ikinababahala.
Dahil ilang bansa pa ba ang dapat manakop sa atin bago natin mapatunayan na pilipino tayo at hindi tayo pilipino lang?
Malalim ang paghinga ko nang makapagpahinga sa bahay. Lubos ko yatang dinamdam ang mga naisip ko kanina. I was always the observant one, but never the speaker. Kaya kung may maitutulong man ako para sa kaayusan ng bansa ko, sisiguruhin kong isusulat ko ito.
BINABASA MO ANG
Return To Me
Romance"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...