Chapter 9

136 12 1
                                    

TW: This chapter mentions a form of 'sexual slavery' that might be triggering to some.

----


"HELLO, August!"



It was Monday, August 1, 2005. Maaga akong pumasok sa school dahil bukod sa ngayon ang opening ng Buwan ng Wika ay ako rin ang nakatoka sa attendance. Ala-sais pa lang ay narito na ako sa room. Maaga ring pumasok ang mga kaklase ko dahil dedesignan nila ang room. Isang buong linggo naming ipagdiriwang ang Buwan ng Wika kaya naman isang buong linggo rin akong kailangang present dito. Medyo nakakainis, pero ano bang magagawa ko kung hindi sumunod?

Ang essay writing contest ay gaganapin bukas. Mauuna ang paligsahan sa pagkanta, may spoken poetry din. Hindi ako mahilig manuod ng mga paligsahan pero siguro ngayon, may dahilan na ako para manuod. Nagkaroon kasi ako ng new perspective. Hindi ako maggo-grow as a writer kung palagi lang akong nagkukulong sa kuwarto. Siguro ay magandang pagkuhanan ng inspirasyon ang pakikilahok at panunuod ng mga patimpalak.

"Grabe, ambilis ng panahon. August na agad!" ani Lori habang nag-gugupit ng mga papel na pangdisenyo sa room.

"Totoo, teh. Hindi mo mamamalayan, March na pala at mag-fourth year na tayo."

"Gusto ko nang mag-college." reklamo ni Babylyn.

"Bakit naman? Balita ko mahirap daw iyon, ah?"

"S'yempre, kapag college na, puwede nang mag-club. Puwede nang mag-dorm, puwede nang lumandi!"

Nagtawanan naman sila. "Bakit, hindi ka ba puwedeng lumandi ngayon?!" ani Ivy.

Babylyn pursed her lips. "Sabi ni mama, hangga't hindi pa ako disi-otso, hindi pa ako puwedeng lumandi. Pang matanda lang daw iyon."

"Sino namang nagsabi sa iyong bawal ka lumandi? Tignan mo nga 'yung isa d'yan, oh. Pa-simpleng landi lang, pa-angkas angkas sa motor." at nagtawanan sila ni Daisy. Napatungo ako nang sabay silang tumingin sa akin.

"Babylyn, kahit kinse ka pa lang, hindi ka dapat nagpapatalo. Tsaka, landi lang naman iyon, hindi ka naman mabubuntis sa landi. Di ba, Dia?"

"Huy, tama na 'yan.." awat ni Cheska. Pero kalaunan ay nakitawa rin siya.

"Dia, anong nagustuhan mo roon sa taga-7/11? Kwento ka naman oh!" nagtinginan ang lahat sa akin, ang mga babae kong kaklase ay nakatutok ang atensyon sa akin.

"H-ha?" hindi ko alam ang sasabihin. Dahil ano ba dapat ang sabihin ko? Hindi ko naman gusto si kuya Andrew. Hindi siya ang gusto ko.

"Mayaman ka naman, Dia. Pero ba't di ka marunong pumili ng lalaki? Wala kang taste!"

"Buti pa si Cheska. Girl, pag naging kayo talaga ni Kaizer, for sure sisikat ang loveteam niyo."

Nakaramdam ako ng kaunting inis. Hindi ko alam kung bakit.

"Huy, ano ba kayo! Hindi ko nga type iyon..tsaka, hindi dapat tayo ang maghahabol sa lalaki, remember?"

"Grabe, ang bait mo talaga Cheska. Pero wala, ship ko talaga kayo. Alam mo, dapat sa intrams, kayo ang muse at escort."

"You really think we look good together?"

"Oo naman, bagay na bagay kayo ni Kaizer—"

Natigil ang pagdadaldalan nila nang dumating ang lalaking pinag-uusapan nila. Siguradong narinig iyon ni Kaizer, pero nang tignan ko siya ay wala siyang reaksyon. Ni dapuan ng tingin ang grupo nila ay hindi niya ginawa. Dumiretso siya sa akin para sa attendance, at agad ko namang binigay ang papel at ballpen sa kaniya.

"Nag-breakfast ka na?" mahinang tanong niya. Iyong kami lang ang makakarinig.

Marahan akong tumango at iniwas ko na ang tingin. Pero nagulat ako nang ilapag niya ang isang bote ng gatas ng bear brand sa harap ko, at dumiretso na siya sa pinakalikod para ilapag ang bag niya.

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon