Chapter 40

130 8 0
                                    

Months after that confession, we decided to finally let go of everything that have hurt us before.

This place has witnessed our tears and sorrow, our downfall and devastation. This place saw our most vulnerable self, yet this place brought us so many memories. Memories that will forever be a part of who we are today.

"Are you ready to leave?"

Huminga ako nang malalim. Niyakap niya ako sa likod at sinandal ang baba niya sa balikat ko. "Umiiyak ka na naman ba?"

"M-maiiwan ko ang mga kaibigan ko rito.."

"P'wede natin silang balikan kung kailan mo gusto. Isa pa, kasama naman natin ang mommy mo sa Palawan," niyakap niya ako nang mahigpit, "We can go back here anytime, baby."

"Hindi lang ako sanay...hindi ko na rin madadalaw si baba kung kailan ko gusto."

"We can go here whenever you want. It's just one plane away."

"Pero...diba nagbu-budget na tayo...nagpapagawa ka ng bahay sa Palawan."

"Oo nga, pero kung gusto mo, sino ako para humindi?" he chuckled, "'Wag ka nang umiyak..hindi ka mawawalay kay baba."

I looked down. Pinaharap niya ako sa kaniya at pinunasan ang pisngi ko. "Buong gabi ka nang umiiyak.."

"Sorry...mami-miss ko kasi ang Mendez..tsaka panibagong environment iyon sa Palawan."

"Para na rin siguradong hindi na tayo magagalaw ni mommy. She will never know."

I just breathed heavily. Pumayag din naman ako, I am just having a meltdown. Isa pa, kaya roon kami mamamalagi sa Palawan ay naroon ang kaniyang ina. Gusto niyang ipakilala ang sarili niya, at kasabay no'n ay gusto niya rin akong ipakilala.

"Ano? Matagal pa ba kayo? Baka mahuli tayo sa flight natin." contrary to me, mommy looks so happy. Mahilig kasi siya sa mga beach, at nang malaman niyang titira na kami roon sa Palawan ay gasino na lang ang kaniyang ligaya.

"Mom, naiyak pa baby ko, eh." asar ni Kaizer. Hinampas ko naman siya sa braso, "Manahimik ka na nga!"

Nakitawa si mommy at iiling-iling kaming inasar. "Para pa rin kayong mga bata. Kayo talaga, oo." she giggled. "Tara na! Gusto ko nang makapagtwo-piece!"

I just rolled my eyes. My mom would never pass an opportunity like this. Kikay pa rin talaga siya.








"'To naman, akala mong mangingibang bansa. Ang lapit-lapit lang ng Palawan napaka-OA mo." irap sa akin ni Army.

"Bakit ba? Si Kier at Kiana ang mami-miss ko hindi ikaw. Assumera." niyakap ko ang dalawang anak niya.

"Ninang, why po ikaw aalis?" malungkot na tanong ni Kier. Si Kiana naman ay kumakain lang ng ice cream. Walang pakielam sa mundo.

"We will live there na, baby. But I promise I will come back to play with you."

"I will miss you, ninang!" he repeatedly kissed my cheek.

Humarap naman ako kay Seira at Talia. Kunting ngitian lang ang palitan namin ni Seira. Si Talia ay niyakap din ako.

"Sabi po ni mommy, tita Dia na po ang itawag ko sa inyo.." napangiti ako at parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niyang iyon. "I will miss you po, tita Dia."

"Thank you, Talia...mami-miss ka rin namin.."

Pagkatapos sa akin ay kay Kaizer naman siya yumakap. Sa murang edad, natanggap niya na agad ang katotohanan. She has a matured mind in a body of a child. Alam ko lang sa sarili ko na napalaki nang maayos ang anak ni Seira. She has matured already, akala mong hindi bata ang kausap mo.

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon