CARIASON ACADEMY
I was staring at the big bulletin of graduates of the new school I was enrolled in. I silently sighed. Ilang beses akong nagpalipat-lipat ng school. Nakaka-drain, bawat eskwelahan, iba ang environment. I was secretly hoping that people here would be welcoming. I wanted to feel the same warm energy I have felt with my classmates in PCNH. At palibhasa'y private school ito, inaasahan ko na agad na hindi maganda ang magiging araw ko.
I applied for a student-assistant position in the library. Kapalit no'n ay libre ang uniform at mga libro ko. Noong sabado lang ay binigay na rin sa akin para makapagsimula ako ngayong lunes. Hindi gano'n kalayuan ang Cariason, isang jeep lang naman ang layo nito sa bahay ni lola. Nilipat siya roon sa isang bahay na mas malapit sa hospital, kaya ang bahay niya na malapit kala Raven ay papaupahan muna.
Diretso ang mukha kong tinahak ang papasok sa school. Kaizer said he will be waiting inside, kaya nang makapasok ako ay agad siyang hinanap ng paningin ko. And there, I saw him. But my heart ache slightly, Seira was beside him.
He smiled at me when he saw me, but I couldn't smile back. Not while I was hurting, not while Seira is beside him.
"Dia.."
Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Seira. Ngayon ko lang siya nakita nang personal at ganitong malapitan. Her beauty was...heavenly. Para akong nakakita ng anghel na matapang. Anghel na hindi nagpapa-api. Napakaganda niya. Halatang alaga ang buong katawan niya, at amoy na amoy ang strawberry niyang perfume. She's the ideal.
Pilit akong ngumiti, "Good morning."
I saw how Seira raised her brow at me. I suddenly felt intimidated. May mali ba akong sinabi?
"Dia will be our classmate. Sabay-sabay na tayong pumasok."
Tumango na lang ako. Nginitian ko si Seira para mawala ang kabang nararamdaman ko. But to my surprise, she just smirked at me. Lalo akong nanliit sa sarili. Ayaw niya ba sa akin? Kilala niya ba ako?
Nakarating na kami sa room, at agad na nagtinginan ang mga bago kong kaklase sa akin. May mga nagtatanong kung sino ako. May mga mababait naman. Katulad ni Denysse na nilapitan pa talaga ako at kinausap. Madaldal siya, mabait din. Reminds me of Army back in PCNH. Mukha siyang matapang at una mong mapapansin ang asul niyang mga mata.
"Mababait naman kami rito. Iyong iba, maloko. Pero pramis, mabait kami. Basta 'wag kang magpapaniwala kay Gerald dahil may saltik 'yan."
"Ako na naman nakita mo!" reklamo ng lalaki.
Tumawa naman si Denysse. "Basta, feel at home lang beh. Sabihan mo 'ko pag pinormahan ka ng mga kaklase natin. Dahil ako ang unang babatok sa kanila."
Napangiti naman ako. Sana nga, mabait din sila. Sana makasundo ko sila.
Dumating ang first-subject teacher namin. At nang makita ang bagong mukha sa classroom ay pinatayo ako.
"Introduce yourself to your classmates, para makilala ka nila." ngiti niya sa akin. Tumango naman ako at pumunta na sa harap.
My eyes automatically searched for him. And when our eyes met, he smiled at me. Iyon lang ay lumakas ang loob ko.
"Good morning, everyone. I am Dia Hannalil Suarez. I hope I can get to befriend you all." I flashed a smile.
One classmate raised his hand, "Anong gusto mong itawag namin sa'yo?"
"Dia na lang.."
Nagtanong siyang muli, "Dia, anong number mo?"
Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon, at agad naman kaming inasar ng mga kaklase namin. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa hiya.
"She's not available." lahat kami napatingin kay Kaizer. I frowned at him.
BINABASA MO ANG
Return To Me
Storie d'amore"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...