Buong gabi kong inisip ang mga nangyari kanina. Gusto ko mang magsulat pero hindi ko nagawa dahil sa sobrang daming nangyari. Malapit na rin ang Buwan ng Wika, dalawang linggo na lang pero wala ako sa wisyong mag-practice. Tulala lang ako sa kama, iniisip kung anong ibig sabihin ni Kaizer doon sa sinabi niya.
"You're mine."
Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isipan ko. Ayaw kong mag-assume. Ayaw ko siyang pangunahan hangga't hindi niya sinasabi nang direkta kung anong ibig sabihin no'n at ng iba pa niyang ginagawa para sa akin. Hindi naman ako manhid. Malinaw at klaro sa utak ko na ang mga ginagawa niya ay hindi normal. Sa buong klase namin ay ako lang ang kinakausap niya. Nililibre niya ako. Sinasabay niya ako pauwi.
Pero ang mga bagay na iyon ba ay sapat na para i-deklara kong gusto niya ako?
Dahil kaibigan ang turing ko sa kaniya. Sa totoo lang ay siya na lang ang natitira kong kaibigan, dahil ang mga naging kaibigan ko ay nagsi-lipatan na. Last year, hindi naman kami ganito. Talagang nagkokopyahan lang kami at madalas na magkita sa library pero wala nang higit pa roon. Nang maging magkaklase kami at nang sabihin niyang sa kaniya ako ay doon nagbago ang lahat.
Malinaw naman sa akin at hindi ako para magtanga-tangahan, pero I can't bring it up to him. Ayaw ko siyang pangunahan. I like clear intentions, kaya hangga't kaya kong maghintay, hihintayin ko ang panahon kung saan magiging malinaw ang lahat.
Sa mga nagdaang araw ay tahimik lang ako. Hindi ko na rin nabalik pa ang panyo ni kuya Andrew. Bukod kasi sa palagi akong hinahatid ni Kaizer ay hindi na rin ako makatakas. Si mommy kasi ay palaging tambay sa living room at may kausap. Minsan ay mainit ang ulo nito. Minsan naman ay kaaway niya si baba sa phone. Hindi ko maintindihan kasi Arabic ang language.
Mag-isa lang ako rito sa library. Sinusubukan kong magsulat ng mga essays tungkol sa societal issues. Sabi kasi ni miss, iyon daw ang magiging topic kaya dapat handa ako. Hindi ako kinalimutan ni Miss Fortuno. Minsan ay pinapatawag niya ako para kumustahin. Ako lang kasi ang kasali sa section namin na advisee niya, kaya hands on siya sa pagbibigay ng tips sa akin. Noon ko lang din nalaman na achiever pala talaga si Miss Fortuno. Iyong thesis niya tungkol sa mga katutubong Aeta Magbukon sa Bataan ay pinarangalan na sa iba't-ibang conference at nagkaroon pa siya ng mga awards. Dahil doon ay mas lalo akong na-inspire na magsulat at mas lalo pang galingan.
Nakalahati ko na ang essay ko nang may tumabi sa akin. Naamoy ko agad ang mabangong pabango niya na nagpabilis agad ng tibok ng puso ko.
"I was looking for you."
Nilingon ko siya at binigyan ng nagtatakang tingin. Bakit niya naman ako hinahanap? Tapos naman na kaming mag-organize ng thesis. Napag-usapan na rin namin iyon.
Hindi na siya nagsalita pa, bagkus ay nilabas niya ang laptop niya at binuksan ito. Tungkol pa rin naman sa research ang pinunta niya. Pero hindi ko alam kung ano pang inaayos niya sa papel namin na pulido naman na.
Napakunot na lang ang noo ko at tinuon ang atensyon sa essay na tinatapos ko. Hindi na rin naman siya nagsalita pa, hindi ko na rin tinignan kung ano iyong pinagtitipa niya sa laptop.
Matapos ang tatlumpung minuto ay natapos ko na rin ang essay ko. Tungkol iyon sa under employment sa Pilipinas. Sinabi ko lang ang mga opinyon ko at mga suhestyon kung paano dapat ang gawin, at kung ano ang dapat baguhin sa magulo at bulok na gobyerno ng bansang ito.
Base sa Philippine Labor Force Survey ngayong July 2005, pumapatak na 2.7 million ang unemployed persons sa Pilipinas. 60.7% ang lalaki habang 39.3% naman ang babae. At sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas, ang NCR o National Capital Region ang may pinakamataas na unemployment rate. I wonder why? When NCR is already a striving region full of opportunities for people.
BINABASA MO ANG
Return To Me
Romantizm"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...