Chapter 26

94 8 0
                                    

2011

PICC

Sabi nila, mahirap daw kapag hindi mo gusto ang kurso mo. Hindi ka matututo, hindi ka gaganahang mag-aral. Maybe I felt it, too. In some ways. But I have grown to get used to a life that I didn't get to enjoy. Walang bago. Parating ang napupunta sa aking choice, ay iyong mga bagay na hindi ko gusto.

"CONGRATULATIONS, graduates!"

Kasabay ng pagsambit noon ng taong nasa harapan ng malawak na convention na ito sa Pasay. Masaya ang lahat pero hindi ko ramdam ang ligaya. Puyat pa ako kakaiyak sa mga desisyon kong ginawa. Even when my best friends, Army, Nika, and Eva cheered me up, ni ngiti ay hindi ko magawa.

"Dia, ano ka ba naman? You should smile! Natapos natin ang madugong kurso na ito, oh."

"Tapos Cum Laude ka pa, bakit parang hindi ka masaya?" It struck me hard when Eva mentioned that.

I can still be a Cum Laude without ever liking Psychology, right?

Dahil ano ba ang dapat kong gustuhin sa kursong iyon kung ang pag-aaral no'n ay pilit pinapaalala sa akin ang masasakit na pangyayari sa nakaraan ko? Bawat detalye, bawat research na pinagdaanan ko, ay pilit pinapaalala sa akin na may mali ako. Na may mali sa akin.

Self-diagnose?

Maybe I did that multiple times. But I never went to a proper mental health professional during that time. There was a time, too....that I forced myself to like Psychology. At least may notes ako, kung sakaling bumalik ang trauma ko. Pero hindi. Hindi talaga.

Though Psychology really helped me get away with everything that I write, it doesn't really helped me personally. Mas lalo pa nga niyon pinalala ang nararamdaman ko. Whenever I read the DSM-4, I would only cry afterwards. Sensitive lang ba ako sa mga gano'n o sadyang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka-recover?

"Come on, Dia. Smile ka na. May gift pa naman kami sa'yo."

"Sorry...C.R. lang ako." hindi ko na kinaya.

I hurried to the comfort room and I cried inside the cubicle. Wala na akong pakielam kung masira ang makeup ko, magkaka-rashes lang din naman ako kinabukasan.

Masakit pa rin pala. Ang sakit pa rin na kailangan kong tanggapin na ito ang daloy ng buhay ko. Masakit na kailangan kong lunukin ang pride ko sa tuwing pumapasok ako sa mga subjects ko. I hate Psychology. I hate how it made me feel.

Wala lang akong choice noon.

I was supposed to take AB Communication. Pero agad napuno ang slot doon kaya nilipat ako sa ibang kurso. If I didn't take Psychology, I wouldn't get inside UP Manila. Baby pa ang kurso kaya wala pa masyadong nagte-take. Doon ako dinala dahil sa result ng exam ko.

Wala na naman akong choice.

I really hate it when I tried getting better and ending up with no choice again. Parang hindi ako ang gumagawa ng tadhana ko kundi ang tadhana mismo. Parang palagi akong gustong parusahan. I spent my four years of college doing nothing but pretend that I like this course, even when some classes like Abnormal Psychology would bring pain to my heart. It only causes me to fall down.

Naalala ko pa nga, nang minsang magklase kami, my teacher said 'Hindi ko na i-cecensor ang mga words katulad ng suicide, sexual abuse, at ibang mga bagay na nakaka-trigger, ha. This subject is psychological assessment. Kahit hindi niyo gustuhin, dadating talaga ang panahon na makikita niyo ang words na 'yan. You guys are soon to be mental health professionals. You will work maybe in a mental hospital, maybe magiging psychologist kayo. Dapat masanay na kayo sa mga words na katulad n'yan.'

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon