How can someone love and hate themselves at the same time?
When there are times that you wanted so hard to punish yourself, but when faced with a calamity or disaster, you're the first to save yourself.
Am I a hypocrite?
If I truly loathe myself, dapat hindi ako tumalon sa kotseng iyon. Dapat hinayaan ko na lang ang sariling mamatay. Dapat hindi ko na pinakielaman ang kapalaran ko.
I've always hated myself. At mas lalo kong kinamuhian ang sarili sa mga desisyong nagawa ko. Kaya kahit hinahangaan at minamahal ako ng mga readers ko, para sa akin ay walang mas hihigit sa pagkamuhi ko sa sarili ko. It has been years. But I kept hating myself ever since.
It's already 2017. Nagising na si Seira. Ilang buwan na. At ang mas masakit pa, ay wala siyang maalala. Nilamon ako ng konsensya. Sa gabi ay sinasaktan kong muli ang aking sarili. Mas lalo akong nawalan ng pananalig. Pero tama pa rin ba ako? Tama pa rin ba ang ginagawa ko?
Hindi ko Siya magawang harapin dahil sa totoo lang, isa Siya sa aking sinisisi. Dahil noon pa man na, hindi na ako nilubayan ng mabigat na problema. Noon pa man, gabi-gabi kong hapunan ay ang pagtangis sa kuwarto habang ang sinisisi ko ay ang sarili.
"Dia...sure ka ba sa desisyon mo? Nilalapit mo lang ang sarili mo sa gulo. Alam mo namang makikita mo roon si Kaizer."
Nasa bahay ako nila Army ngayon at sinabi ko sa kaniya ang plano ko. This is the only way I could ever repay for what I did. Dahil hindi ako makakapayag na hindi makaganti sa akin si Seira. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung hindi ko iyon mapagbabayaran.
"I checked his schedule and...hindi naman ako doon titira. Uwian ako. Kailangan lang nila ng mag-aalaga sa anak nila dahil mahina na iyong dating tagapag-alaga. Tsaka hindi naman sila nagsasama. Doon pa rin si Kaizer nakatira sa Maynila."
"Kahit na. Imposibleng hindi kayo magkita n'yan. At ano? Nakam-move on ka na ba? Baka hindi pa, eh makasira ka lang ng pamilya." she silently hissed at me. Napatungo na lang ako.
But how can I repay for my sin? Mayaman si Seira. Higit na mas mayaman sa akin. Wala akong kayang ibigay kundi ang serbisyo ko.
"Dia. Hindi mo naman iyon kasi kasalanan. Ewan ko ba sa'yo kung bakit parati mong sinisisi ang sarili mo. Aksidente iyon at hindi mo ginusto."
"Army. Kung ikaw ang nasa posisyon ko...maiintindihan mo rin ako."
I just can't accept the fact that I got out alive and just bruised. Samantalang si Seira ay na-comatose at si Luisa ay nawalan ng buhay. Hindi ko maatim na araw-araw iyong rerehistro sa utak ko. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ay parating iyon ang babagabag sa isipan ko. Iyon ang lumalamon sa sistema ko.
That's why I decided to apply. Pinapunta ako ni Seira sa bahay nila sa Mendez. Malapit lang naman iyon dahil dito lang kami nakatira na rin sa Mendez. Natapos na iyong bahay na pinapagawa ko.
I parked my car nearby. Saka mabigat ang mga hakbang kong inilakad iyon papalapit sa gate nila.
Nang marating ang malaking bahay na may nakalagay na Montano Residence ay agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. I held my chest and closed my eyes for a moment. I am doing this for her. Kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ko sa kaniya. At hindi matatahimik ang puso ko kung hindi ko gagawin iyon.
Pinindot ko ang doorbell nang may kaba sa puso ko. Pinagmasdan ko ang paligid. It's my first time here. Matanggap man o hindi, ay sisiguruhin kong hindi ito ang huling pagkikita namin.
"Hello po, sino po kayo?" pinagbuksan ako ng cute na bata. I know her.
Their daughter.
Kamukhang-kamukha ng ina. Namana ng bata ang mahahabang pilik-mata, ang magandang ilong, at mapupula at hugis pusong labi ng kaniyang ina. Bilugan ang itim nitong mga mata at kutis-gatas ang balat.
BINABASA MO ANG
Return To Me
Romance"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...