Chapter 37

114 7 0
                                    

Present time


Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Sinipa ko ito. Baligtad pala akong nakatulog sa kama kagabi. Nang magising ay matindi ang sakit ng ulo ko. Umiyak din pala ako nang matindi pagkauwi. Naaalala ko pa rin ang lahat. At sana pala ay natulog na lang akong muli. Tangina, naaalala ko na naman ang nakakahiyang pangyayari na iyon!

Napalingon lang ako sa may pinto nang biglang bumukas ito. Si mommy, may dalang breakfast in bed.

"Naglasing ka na naman." she snorted, looking at me in disappointment. "Kumain ka muna. Baka ma-late ka na naman kala Seira."

Tamad na tamad akong bumangon. Ramdam ko pa rin ang pamumugto ng mga mata ko. I cried so much last night remembering my college days. Masakit ang naunang taon ng kolehiyo ko. Bukod sa pag-aadjust sa kurso ko ay paulit-ulit pa akong sinasaktan ng katotohanan. Doon ko rin nalaman na buntis si Seira. At noon ay tinatak ko sa aking isipan na si Kaizer ang ama ng bata.

"Anong nangyari? Umiyak ka ba?"

My lips parted open and my gaze immediately fell down. Naupo si mommy sa tabi ko. "Si Kaizer na naman ba?"

"M-may naalala lang, my."

"You've come this far, anak. Alam mo bang sobrang proud ako sa'yo, ha?" napalingon ako nang ilagay niya ang hibla ng mga buhok ko sa likod ng tenga ko. "Life is not good to us. But we made it out alive. We are living with the sea of sorrowful waves. And we are above it. We are riding along the wild waves."

"S-saan mo nakuha 'yan, my? I didn't know you could be metaphorical.."

"Sa tingin mo, saan magmamana ang galing mo ha?" ginulo niya ang buhok ko. "Writer ang anak ko, eh. Edi s'yempre, magaling din ang mommy!"

Nawala ang agam-agam sa isipan ko, at ang ngiti ko ay nabuo. She comforted me in a way a mother can. Masaya ako dahil sa tagal ng panahon ay natanggap niya rin ako. Mahal niya na rin ako.








I WENT straight to my work. Naabutan ko ang dalawa na naglalaro. Binati ko sila at nginitian. Tila nawala ang lungkot ko nang makita na naglalaro sila. Things have changed for me when Kaizer admitted that. Parang naging maaliwalas ang isip ko at habang tinitignan sila ngayon ay kaysarap nilang pagmasdan. The hatred in my heart vanished already. Wala nang dahilan para manatili pa ang pait sa puso ko. Hindi niya anak si Talia. He never betrayed me. He never replaced me in his heart.

But that isn't enough reason to get back with him.

Hangga't kasal sila.

Hangga't sa isip ni Seira ay sila pa, hinding-hindi ko siya babalikan.

"Dia, p'wede ba tayo mag-usap saglit?"

I was washing the dishes when she went up to me. Hindi pa rin ako sanay sa mahinhing Seira. She used to be so fierce, but now all I can see is the mirror of myself. Parang nagkabaligtad kami.

"Ano po iyon?"

"Diba...classmates tayo noon?"

Nang tanungin niya iyon ay agad akong natigilan. Hindi ko inaasahang tatanungin niya ako tungkol sa nakaraan niya. And I don't even know if I have the right to answer. Baka mas mapalala ko pa ang sitwasyon niya.

"Dia, close ba tayo? Naging magkaibigan ba tayo noon?"

Automatikong bumagsak ang paningin ko. "W-we used to be friends...for a short period of time, ma'am."

"Oh? Bakit naman saglit lang?"

I smiled bitterly, "May mga bagay na hindi tayo napagkakasunduan noon, may mga nagawa akong ikinagalit mo...kaya nasira ang pagkakaibigan natin."

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon