TULALA ako habang nasa sasakyan ni Kenji. Parang bigla akong nahimasmasan. Bigla ay para akong nawalan ng tama. I was unconsciously biting my lower lip out of embarrassment. Ni hindi ako makatingin sa kaniya, hiyang-hiya ako.
I kissed him.
I fucking kissed Kenji, while I was mentioning Kaizer's name.
"Andito na tayo.." nilingon niya ako.
Tanging pag tungo lang ang nagawa ko. "S-salamat. S-sorry sa nagawa ko."
"You're drunk...and it's understandable. Magpahinga ka na, mag-uusap tayo mamaya."
Walang lingon ko siyang iniwan sa loob. Alam niya sigurong hiyang-hiya ako sa ginawa ko kanina kaya hindi niya na ako hinatid pa sa loob. It's already 4 AM. Paniguradong tulog pa si mommy. Dire-diretso akong pumasok sa kuwarto ko at tumalon sa kama.
"Tangina, sobrang gago mo!" sisi ko sa sarili.
Maling-mali ang ginawa ko. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Paano kung si Kaizer nga talaga 'yon? Edi pinaasa ko na naman siya? Hindi na talaga ako natuto. Palagi ko na lang siyang sinasaktan.
And with Kenji, I don't even wanna think about it!
Ni hindi ko alam kung may gusto siya sa akin, tapos bigla ko siyang hinalikan. Bakit hindi ko naisip na magkaiba sila ng boses? Bakit nawalan ako ng pakiramdam dahil sa kalasingan?
I buried my face on my pillow. I am getting so much embarrassment from this. Gusto ko na lang itulog ang lahat ng 'to. So, I heaved a deep sigh, and I just found myself closing my eyes. Sobrang bigat ng mata ko, kusa na itong sumara dahil gusto ko na ring matulog.
But as I close my eyes, the faint scenes started flashing again. Those college days, where my heart hurt so badly. Where I have been hurt more than anything.
Naalala ko na naman ang lahat. Kaya sa pagpikit ng mga mata ko, ay sumabay ang pagtulo ng luha ko.
Hindi ko pa rin malilimutan kung gaano ako nasaktan noong araw na iyon.
A flashback. [TW: Kidnapping, violence, sexual harassment]
YEAR 2007
UP MANILA
"Psychology?" I sighed in disappointment.
"Bakit? Ayaw mo ba?" nilingon ko si Raven. Buti pa siya, gusto niya ang kurso niya.
"Traumatized na nga ako, dadalhin pa ako sa kursong 'to." I leaned against my seat. Kinain ko na lang ang tinapay ko.
"Gusto mo bang lumipat?" Raven asked. I shook my head at him.
"No choice na ako. Dito talaga ang bagsak eh. Tsaka, mahirap humanap ng instructors."
"Sabagay. Pero kapag hindi mo na kaya, sabihan mo ako. Ihahanap kita ng school."
"Salamat, Ven.." I smiled faintly.
It's the first day of school. Unang sabak pa lang sa klase kanina sa Intro to Psychology, bumigat na agad ang pakiramdam ko.
For someone who experienced traumatic events in her life, it's really hard to face something that might trigger your trauma. Iniisip ko pa lang na magtatagal ako sa kursong ito, parang napanghihinaan na ako ng loob.
Bumalik na ako sa klase. Buti na lang purposive communication ang sunod na subject. Medyo hindi related sa psychology na nakakapagtrigger ng mga trauma ko. The day had ended well even though I didn't really like some parts of it. We discussed some theorist that will be discussed in Theories of Personality, ang mga kaklase ko, alam na agad nila iyon. Nag-advance reading sila. Ako hindi.
BINABASA MO ANG
Return To Me
Roman d'amour"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...