Chantel taught me a lot of things. Malapit lang pala ang bahay niya sa amin dito sa Manila. Kaya minsan, naroon ako sa kanila. Lalo kapag nagkakainitan kami ni mommy.
Naging okay naman na si baba at nakakapagtrabaho na ulit. As for me, I sighed. Hindi ko alam kung makakapagtrabaho ba ako. Wala akong maisip na trabaho na align sa kurso ko. Kung mayroon nga lang board exam for Psychometrician dito, ay baka iyon ang maging trabaho ko. Maayos naman ako sa statistics. Ang hindi ko lang kaya ay mga calculus o algebra. Pero hindi pa naaaprubahan ang pagkakaroon ng boards for Psychometrician.
Kaya ngayon, hindi ko alam kung saan ako mag-aapply. Ang hirap na fresh grad ka lang, kahit Laude ka, may kakayahan silang maliitin ka dahil wala kang working experience.
"I bought you something." I raised my brow at her. What is it this time? Noong nakaraan, binilhan niya ako ng long sleeve at palda. Sinabi ko kasi sa kaniyang gusto kong masubukan ang style niya dahil gusto ko magbago. Ayaw ko na sa mahinang Dia na nakikita ko araw-araw. Maybe if I change appearance, I can be different, too.
"I bought you makeups!"
"Hala! Hindi ako nagme-makeup!"
"Ha? Bakit?"
"Ah...nagkaka-rashes kasi ako..."
"Ay gano'n? Don't worry. For sensitive skin ito. Iyong may-ari ng makeup brand na ito, she suffers from a skin disease kaya nang gumana sa kaniya ang ginawa niyang makeup, doon ay binenta niya na rin iyon. Eventually, sumikat naman." ngiti niya sa akin.
Napakurap ako. Puwede pala iyon?
"Come on! Let's try it on you. Pag nagka-rashes ka, blame me all you want. Ipapa-derma kita."
I hissed, "Hindi naman kailangan no'n, nagagamot naman ng ointment."
"Hindi sapat ang ointment lang sa mga sensitive skin. Baka magka-infection ka pa. Maigi nang nagpupunta ka sa derma, 'no!"
I sighed. Sobrang excited niyang kinulapol sa akin ang makeup. Inuna niya ang primer, tapos foundation, concealer, at ang lipstick na kulay itim. Then she did my eyes. It's a smokey-eye. Ang dami niyang ginawa. Pero so far, hindi pa naman bumibigat ang pakiramdam ko sa mukha. Parang wala lang siyang nilagay.
"Done!"
I slowly opened my eyes. And I met myself in the mirror. Umawang ang mga labi ko at halos hindi ko makilala ang sarili. With my short hair, pakiramdam ko mas nagmukha akong matapang.
"Grabe, bagay na bagay sa'yo! Tangina, kung di ako straight, sho-shotain kita." halakhak niya.
"A-ako ba talaga 'to?" I checked myself in the mirror.
"May isa na lang na kulang." ngisi niya.
"Ano naman?" napalingon ako sa gunting na hawak niya. Wait...don't tell me!
"Is it okay if I do your bangs?"
"B-bangs?" oh no! Baka hindi naman iyon bumagay sa akin? I've never tried it. Buong buhay ko ay wala akong bangs. At baka hindi ako masanay.
"I think babagay sa iyo ang bangs. Ewan ko, feel ko lang. Ikaw ba?"
"H-hindi ko alam, eh..."
"You know what's fun about life?" ngisi niya sa akin, "We can always try something new!"
At wala na nga akong nagawa nang gawin niya na ang buhok ko. It's a full bangs. Mabilis ang tibok ng puso ko habang ginagawa niya iyon. And I don't know why in the back of my mind, I can see myself asking if Kaizer would like if he sees me in bangs and with a different style. Hindi ko na iyon dapat iniisip pa. May pamilya na siya. May mahal na siyang iba.
BINABASA MO ANG
Return To Me
Romance"I am not what happened to me, I am what I choose to become." - Carl Gustav Jung In the mind of a writer, everything must be balanced. There should be moments of happiness, there should be painful scenes as well. To write a masterpiece is to make t...