Chapter 16

149 9 0
                                    

"Some days you feel shiny as a star. If you've done something important, people may call you a star."

I remember the time when my classmates accepted me for obtaining a high rank. They started appreciating me, because I have done an accomplishment.

"But some days you don't feel shiny."

And that's the time when people would often tease me for being so quiet and for them, intimidating.

I closed the children's book that I saw on the bookshelf of National Bookstore. For a children's book, that sure is deep and meaningful. Or maybe it's deep, for those who relate. For those who understand.

It's already May. Wala namang nagbago. Patuloy ang gamutan ko. May mga pagkakataon na malala ang nararamdaman ko, pero meron din namang pakiramdam ko ayos na ako. But deep inside me I know I will never heal at all. Throughout the month of April, Kaizer and mommy stood by my side. They would often bring me to bookstores, accompany me on dates, make me foods, and show how much they love me.

And above it all, he didn't ask about anything. Minsan kong tinanong kay mommy kung may alam ba si Kaizer, but she said 'he doesn't know anything.' I admit that I felt relieved that time. If Kaizer doesn't know, he will never look down on me. He won't think i'm dirty.

But I don't see any sense of coming back to him. Wala akong ganang magmahal, o magbigay ng pagmamahal. Dahil nasasaktan pa ako. Paano ako magbibigay ng pagmamahal kung sarili ko ay sinukuan kong mahalin?

I shook my head as I think of him again. Hindi ko dapat siya iniisip nang ganito. Hindi dapat lumalim ang nararamdaman ko. But how can I when he's so caring and loving towards me?

"Dia, are you done? Okay na ba 'tong mga napili mo?" napalingon ako sa kaniya.

Yes, he's the one accompanying me at the mall. Wala na naman si mommy. Ang sabi ko, gusto ko ulit magbasa. Gusto ko ulit makaramdam. Dahil bukod sa sakit, wala na akong ibang maramdaman.

"Oo, marami na 'to. Tara na sa counter."

Nang makarating sa counter ay kinuha ko na ang wallet ko, pero narinig kong nagpu-punch na ang babaeng cashier.

"Dito na lang sa card." my brows furrowed and I looked at him.

"Kai, 'wag na. May pera ako."

"So? May card naman ako." ngisi nito sa akin. Bumusangot ang mukha ko at nahihiyang itinago ang wallet ko. Nabayaran niya na at wala na akong nagawa.

Bitbit ang mga pinamili kong libro, dumiretso kami sa mcdo. Gusto ko kasi doon kumain. Miss ko na ang fries nila.

"Upo ka na, oorder ako." tumango lang ako.

Naghintay pa ako saglit at inabala ang sarili sa mga bagong librong narinig ko.

"Oh my god, is that Kaizer Montano?"

"HA? Nasaan ang baby ko?"

Kunot-noo kong tinignan ang dalawang babae na nakaupo sa table na katabi namin. Anong 'baby' niya?

"Ayon, teh. Na-order. Pa-picture tayo!"

"Grabe, tehhh! Ang pogi niya pala sa personal. Hindi na siya nalabas sa news. Miss ko na siya."

"Tangina, same. Di nga ako nanunuod ng balita pero para sa kaniya tinitiis kong manuod. Kahit hindi ko maintindihan kung ano 'yung mga sinasabi niya tungkol sa business chuchu."

"Ang talino niya rin 'no? Ang swerte pa. Imagine being the son of Lanz Reyner Montano. Tangina, ang pogi nung tatay niya eh!"

"May daddy issues ka ba? Gagong 'to, pati tatay."

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon